HomeDiocesan ReportsApat na parokya ng San Roque, itinalaga bilang ‘Churches of Intercession’

Apat na parokya ng San Roque, itinalaga bilang ‘Churches of Intercession’

Itinalaga ng Archdiocese of Manila bilang “Archdiocesan Churches of Intercession” ngayong may pandemya ang apat na parokya na nakatalaga sa ilalim ng patron na si San Roque.

Sa Circular 2020-24 na nilagdaan ni Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo, inihayag ang pagsang-ayon sa petisyon ng mga kura paroko ng apat na parokya sa Blumentritt, Pasay, Mandaluyong at Sampaloc sa rekomendasyon ng Archdiocesan Liturgical Commission at ng Judicial Vicar ng Archdiocese of Manila.

Pangungunahan ng mga parokya ng San Roque ang pangangasiwa sa mga pang-debosyon at pang-liturhiyang gawain na naaangkop para sa mga may sakit, frontliners, at naghihirap dahil sa Covid-19 pandemic sa arkidiyosesis.




“While all parishes are churches of intercession, these parishes under the patronage of San Roque will take the lead in organizing devotional and liturgical activities as well as other appropriate programs that will serve the sick, the front liners and the poor during this time of pandemic in the Archdiocese of Manila,” bahagi ng nilagdaang circular ng obispo.

Ang mga itinalagang Archdiocesan Churches of Intercession ay ang mga parokya ng San Roque na pinangangasiwaan nina Fathers Antonio B. Navarete, Jr.; Paschal Gorgonia, Aries Reyes, at Leo Nilo Mangussad.

Si San Roque ang kilalang pintakasi laban sa salot, peste, at nakahahawang sakit na inialay ang kanyang buhay sa paglilingkod sa mga may karamdaman.

Sa mga bayang nadadaanan ni San Roque sa kanyang paglalakbay patungong Roma ay mayroong salot na pumupuksa sa mga tao, kaya siya’y nanggagamot sa pamamagitan ng paglalagay ng krus sa mga may-sakit at sila’y gumagaling.

- Newsletter -

Sa Roma, nagkaroon din ng pagkakataon si San Roque na makahalik sa mga paa ng Papa Benedicto XI, gayunpaman sa bayan ng Placencia ay nahawaan ito ng sakit at ipinatapon sa gubat.

Sa kanyang pag-iisa ay isang aso ang nagdadala ng tinapay kay San Roque hanggang sa kanyang paggaling.

Ang Kapistahan ni San Roque ay ipinagdiriwang ng Simbahan tuwing ika-16 ng Agosto.

Mula sa ulat ng Radio Veritas 846

© Copyright LiCAS.news. All rights reserved. Republication of this article without express permission from LiCAS.news is strictly prohibited. For republication rights, please contact us at: [email protected]

Support LiCAS.news

We work tirelessly each day to tell the stories of those living on the fringe of society in Asia and how the Church in all its forms - be it lay, religious or priests - carries out its mission to support those in need, the neglected and the voiceless.
We need your help to continue our work each day. Make a difference and donate today.

Latest