Home Diocesan Reports Bishop David, humiling ng panalangin para sa mga nagpositibo sa COVID-19

Bishop David, humiling ng panalangin para sa mga nagpositibo sa COVID-19

Muling humiling ng panalangin si Bishop Pablo Virgilio David ng Kalookan para sa kagalingan ng lahat ng mga may karamdaman lalo na ang nagtataglay ng COVID-19.

Ayon kay Bishop David, bukod kay Kalookan Bishop-Emeritus Deogracias Iniguez may dalawang pari, isang deacon, at dalawang seminarista ng diyosesis ang nagpositibo rin sa sakit.

“Please include them in your prayers,” panawagan ng obispo.



Isa sa mga seminarista ay nasa Malabon quarantine facility na at bagama’t positibo sa virus ay walang sintomas na nararamdaman o “asymptomatic.”

Ikinagagalak din ng obispo na ang seminarista, na bagama’t positibo sa virus at naka-quarantine, ay pinamumunuan ang pagdarasal ng rosaryo kasama ang iba pang mga pasyente na ang pangunahing panalangin ay kalakasan at paggaling mula sa sakit.

“Our Vicar for Vocations sent me a photo of him leading the rosary and facilitating a Liturgy of the Word with his companions in the quarantine facility,” dagdag pa ng obispo.

Mula sa ulat ng Radio Veritas 846

- Newsletter -

Leave a Reply

Make a difference!

We work tirelessly each day to support the mission of the Church by giving voice to the voiceless.
Your donation will add volume to our effort.
Monthly pledge

Latest