HomeNewsObispo humiling ng dasal para sa mga pari

Obispo humiling ng dasal para sa mga pari

Humiling ang pangulo ng Episcopal Commission on Clergy sa mga mananampalataya na ipagdasal ang mga pari ng Simbahang Katolika na patuloy na humaharap sa hamong maglingkod sa gitna ng krisis na dulot ng pandemya.

Sinabi ni Bishop Buenaventura Famadico, chairman ng komisyon, na mahalagang ipagdasal ang bawat pari na mapagtagumpayan ang pagiging kaisa ni Kristo sa pagmimisyon at pagpapalaganap ng mga salita ng Diyos sa kabila ng mga limitasyong dulot ng pandemya.

“Ipagdasal natin na sa gitna ng coronavirus pandemic na ang ating mga lingkod-pari ay magpatuloy sa kanilang misyon: ang pagdiriwang ng misa at pagpapahayag ng Mabuting Balita,” pahayag ni Bishop Famadico sa Radio Veritas 846.




Ang mensahe ng obispo ay kaugnay na rin sa pagdiriwang at paggunita sa kapistahan ni San Juan Maria Vianney, ang patron ng mga pari at kura paroko.

Tiwala si Bishop Famadico na patuloy na itaguyod ng mga pari ang pagtugon sa pangangailangan ng mananampalataya lalo’t higit ang mga dukha na labis apektado ng krisis dahil sa kawalan ng pagkakakitaan.

Dagdag pa ng obispo na sa pagpapatuloy ng mga pari sa kani-kanilang gawaing pagkalinga sa kawan ng Diyos ay naipapadama ang dakilang pag-ibig ng Panginoon sa sangkatauhan at maramdaman ang pagiging kaisa ng Diyos sa krisis at hamon ng buhay na kinakaharap ng bawat isa.

“Sa ganitong diwa maipapadama nila na si Jesus ay nananatiling kapiling natin at hindi tayo iniiwanan ni pinababayaan ng Diyos,” dagdag ni Bishop Famadico.

- Newsletter -

Hiniling din ng obispo sa mananampalataya ang patuloy na panalangin sa lahat ng mga pari sa buong mundo na tinatayang mahigit sa 400,000 kung saan dalawang porsyento dito ang naglilingkod sa Pilipinas, o katumbas sa higit sampung libong mga pari.

Mula sa ulat ng Radio Veritas 846

© Copyright LiCAS.news. All rights reserved. Republication of this article without express permission from LiCAS.news is strictly prohibited. For republication rights, please contact us at: [email protected]

Support LiCAS.news

We work tirelessly each day to tell the stories of those living on the fringe of society in Asia and how the Church in all its forms - be it lay, religious or priests - carries out its mission to support those in need, the neglected and the voiceless.
We need your help to continue our work each day. Make a difference and donate today.

Latest