HomeDiocesan ReportsDiocese of Cubao tumugon sa panawagang ‘time out’ ng medical frontliners

Diocese of Cubao tumugon sa panawagang ‘time out’ ng medical frontliners

Pansamantalang sinuspendi ng Diocese of Cubao ang pagsasagawa ng mga pampublikong liturhiya sa buong diyosesis bilang pakikibahagi at tugon sa panawagan ng medical frontliners na pansamantalang “time out” mula sa patuloy na pagtaas ng bilang ng mga nagpositibo sa new coronavirus disease.

Ipinag-utos ni Bishop Honesto Ongtioco ng Cubao ang suspensyon ng pagsasagawa ng liturgical services sa buong diyosesis mula ika-3 hanggang ika-14 ng Agosto bagama’t magpapatuloy ito sa online platforms.

Ayon sa obispo, ang muling pagsususpendi sa pagsasagawa ng mga pampublikong liturhiya sa diyosesis ay isang paraan upang mabigyan ng pagkakataon ang mga medical frontliners na makapagpahinga, gayundin ang pamahalaan upang masuri ang kasalukuyang pagtugon ng estado sa krisis na dulot ng pandemya.




Ayon kay Bishop Ongtioco, kinakailangan ding masuri ng diyosesis ang naging pagtugon ng Simbahan sa mga naapektuhan ng COVID-19 pandemic.

“The Diocese of Cubao is listening and will act on their call. From August 3 to 14, the Diocese is suspending public liturgical services in all its parishes. Our online services and religious activities will continue,” ayon sa obispo.

“We will allow our front-liners to breathe, our government to assess and proactively respond to the situation, our Church to evaluate how we can better help our brothers and sisters who are suffering in this situation,” dagdag niya.

Ipinaliwanag ng obispo na nakababahala at hindi dapat balewalain ang mariing panawagan ng medical frontliners na mula ng magsimula ang pandemya sa bansa ay matapang na nanguna sa pagharap at pagtugon sa pangangailangang medikal ng mga nahawaan ng nakamamatay na sakit.

- Newsletter -

Iginiit ni Bishop Ongtioco na ang panawagan ng medical frontliners ng pansamantalang “time out” ay hindi nangangahulugan ng pagsuko sa kanyang tungkuling sinumpaan sa halip ay paghingi lamang ng pagkakataon upang muling makapagpahinga at makapag-ipon ng lakas.

Nauna ng ipinag-utos ni Bishop Broderick Pabillo ng Maynila ang muling pagsunod ng lahat ng mga Simbahan at Dambana sa arkidiyosesis sa mga panuntunan sa ilalim ng Enhanced Community Quarantine.

Mula sa ulat ng Radio Veritas 846

© Copyright LiCAS.news. All rights reserved. Republication of this article without express permission from LiCAS.news is strictly prohibited. For republication rights, please contact us at: [email protected]

Leave a Reply

Make a difference!

We work tirelessly each day to support the mission of the Church by giving voice to the voiceless.
Your donation will add volume to our effort.
Monthly pledge

Latest