Matagal nating binalak na sa araw na ito tayong lahat ay magdasal para sa bayan. Kaya sa lahat ng Misa sa Archdiocese ng Maynila ang Misa para sa pag-iral ng katarungan at kapayapaan ay dinadasal. Kahit na hindi ninyo ako kasama dito ngayon nakikiisa ako sa inyo sa pagbibigay ng ganitong pahayag tungkol sa Salita ng Diyos.
The core of the Christian message is love — love of God and love of our fellow human beings. There is no problem about love of God. It is clear. There is only one God to love. Either we love him or not. But love of our fellow human beings? Sino ba sila, iyong kapwa tao?
Madalas kapag sinabi nating kapwa tao ang tinutukoy natin ay si nanay, si bunso, iyong kapitbahay, o even iyong kaaway. We take each one of them as individual persons. That is correct. Pero kasama din sa kapwa tao ay ang ating mga kababayan, ang ibig sabihin, ang ating bansa.
So love of country is part of the command to love one another. Buhayin uli natin sa ating kalooban ang pagmamahal sa bayan. Kung nasaan ang pag-ibig nandoon ang Diyos. Huwag tayo magwalang kibo sa nangyayari sa ating bansa!
Today we are reminded of our country. It is the day of the SONA — State of the Nation Address. Mamaya ang attention natin ay nakatuon sa president. Maglalahad siya ng kalagayan ng ating bayan at ng programa niya para sa bansa. Iyan dapat ang SONA.
Hindi iyan panahon ng pagmamayabang, o pambabatikos o pambobola sa taong bayan. Gusto nating malaman the real score. Nasaan na ba tayo sa paglaban sa coronavirus? Nasaan na ba tayo sa pagbigay ng trabaho sa mga nawalan ng trabaho at sa mga OFW na umuuwi na walang trabaho.
Nasaan na ba tayo sa mga estudyanteng walang pang-online study? Paano ba mabubuksan ang mga business enterprises? Ano ba ang gagawin ng gobyerno para masagot ang mga problemang hinaharap ng taong bayan ngayon?
Interesado tayong malaman ang mga ito kasi tayo ay mga mamamayang Pilipino. Interesado tayong sumubaybay sa mga ito kasi tayo ay mga Kristiyano. Hindi tayo maaaring maging mabubuting Kristiyano kung hindi tayo mabubuting mamamayan. Hindi natin masasabi na mahal ko ang aking kapwa kung wala tayong pagmamahal sa bayan.
Kung may pagmamahal tayo sa bayan at least man lang inaalam natin kung ano talaga ang kalagayan ng bayan.
We care enough to know what is happening among us now and what our elected officials are doing. So we will listen carefully and we will analyze conscientiously because, unfortunately in our times, not everything that is said, even by the highest official of the land and his official spokespersons, is credible and true. Kaya susuriin natin.
Ano ang batayan ng ating pagsusuri? Dahil sa tayo ay mananampalataya, ang basehan ay ang ating pananampalataya na galing sa Banal na Kasulatan.
Our Holy Mass today is for the “Preservation of Justice and Peace.” These two are connected because there cannot be peace without justice. In our opening prayer we entreated God: “We pray, that we may work without ceasing to establish that justice which alone ensures true and lasting peace.”
Magtrabaho tayo upang mapairal ang katarungan na siyang maasahang tuntungan ng kapayapaan at kaayusan. Ang kapayapaan ay hindi matatamo ng dahas, ng baril o ng pananakot.
Peace can never be achieved by unpeaceful means. Simple logic, hindi ba? Pero hindi ito naiintidihan ng mga armadong grupo, kasama na diyan ang mga police at ang military. Only when there is justice, then there will be peace.
Napakahalaga po ng katarungan. Sinigaw ni propeta Mikas: “Hate evil and love good, and let justice prevail and you will live, and God will be with you as you claim.”
Ang ibig sabihin ng justice ay naibibigay sa tao ang nararapat, ang kanilang mga karapatan — nararapat na trabaho, na pagkain, na gamot, na edukasyon. At sino ba ang dapat magbigay nito? Di ang gobyerno na kumukuha sa atin ng buwis! Kaya nga nagkokolekta sila ng buwis kasi may tungkulin silang bigyan ng nararapat na serbisyo ang bayan. Kung hindi naibibigay ang mga ito — walang katarungan; naiisahan nila ang bayan.
Kaya nga kailangan nating magdasal, at malakas na magdasal, upang mabuksan ang mga mata at tainga ng ating mga leaders. Sana makakita at makarinig na sila. Higit pa rin kailangan tayong magdasal na lumambot ang kanilang puso at tumibok ito ayon sa hibik ng maraming nahihirapan na ngayon.
Namumulitika ba ang Simbahan kapag siya ay nanawagan ng katarungan para magkaroon ng tunay na kapayapaan? Namumulitika ba ang simbahan kapag sinasabi niya ang mga katiwalian at kapalpakan na nararanasan ng bayan?
Pero tinatanggap na namin sa Simbahan na may tutuligsa sa amin sa pagsasalita ng ganito. Si Jesus mismo ay inakusahan ng political crime that he was setting up another kingdom, that he was undermining the rule of the Roman emperor.
Kahit na maliwanag na sinabi ni Jesus na siya nga ay hari pero ang kanyang kaharian ay hindi sa mundong ito — inakusahan, hinatulan, pinarusahan at pinatay pa rin siya.
Jesus himself foretold to us: “They will expel you from the synagogues; in fact, the hour is coming when everyone who kills you will think he is offering worship to God. They will do this because they have not known either the Father or me.” (Jn. 16:2-3) Hindi bago ang mga pinaparatang at panunuligsa sa mga mananampalataya.
Pero hindi dahil sa dinala si Jesus kay Pilato at pinagbintangan, nanahimik siya. Siya ay nagsasaksi hanggang sa wakas. Nanindigan siya sa katotohanan.
In front of Pontius Pilate, Jesus clearly said: “For this I was born and for this I came into the world, to testify to the truth. Everyone who belongs to the truth listens to my voice.”
Iyan lang naman ang ating pinapahayag: ang katotohanan. Kaya huwag tayong matakot na magsalita at kumilos. Kailangang sabihin ang katotohanan. Kailangang pairalin ang katarungan. Ginagawa natin ito kasi mahal natin ang ating bayan. Sa mga pagkilos na ito inaasahan natin na darating ang kapayapaan at kaayusan.
Mga kapatid, may apat na social virtues. Kailangan ang mga virtues na ito ng isang maayos na lipunan — Love, Truth, Justice and Peace. Magkakaugnay ang mga ito.
Dahil sa pagmamahal sa kapwa, minamahal natin ang bayan. Kaya tayo nagsasalita ng katotohanan. Ayaw natin na nililinlang ang bayan. Dahil sa katotohanan, nakikita natin ang kabulukan at pagsasamantala. Kaya nananawagan tayo para sa katarungan na magdadala ng tunay na kapayapaan.
Love, Truth, Justice and Peace. Ipagdasal natin ang mga ito para sa ating bayan.
The is the full text of the Homily prepared by Bishop Broderick Pabillo, apostolic administrator of the Archdiocese of Manila, for the “Mass for Peace and Justice.” The homily was read by Monsignor Hernando Coronel at Quiapo Church on July 27, 2020, at 12:15 p.m., hours before President Rodrigo Duterte delivers his State of the Nation Address.