Home Diocesan Reports Pagbabalik operasyon ng ipinasarang minahan pinuna ng obispo

Pagbabalik operasyon ng ipinasarang minahan pinuna ng obispo

Nagpahayag ng pangamba ang isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines sa muling pagbubukas ng ilang minahan na sinuspinde ng yumaong si Gina Lopez, dating pinuno ng Department of Environment and Natural Resources.

Nanawagan si Bishop Gerardo Alminza ng San Carlos, vice chairman ng Episcopal Commission on Social Action, Justice, and Peace, sa DENR na ihayag sa sambayanang Filipino ang dahilan ng muling pagbubukas ng mga mining firm.

Iginiit ng obispo na dapat magkaroon ng “third party group” na magpapatunay na sumunod sa patakaran ang mga kompanyang magbabalik operasyon at mapanagot ang mga mining firm na nagdudulot ng pinsala sa kalikasan.



“I have serious doubts and how I wish the process is transparent and open for public scrutiny,” ayon sa obispo. Aniya, dapat managot ang mga minahan sa kanilang mga kapabayaan.

“DENR’s action of lifting suspended mining operations is taking advantage of the pandemic mobility limitations allowing continuous plunder of our natural resources,” ayon naman kay Rodney Galicha, executive director ng grupong Laudato si’ Philippines.

Panawagan ni Galicha na palitan na ang Mining Act of 1995 ng isang batas na nakasentro sa “sustainable development,” “disaster risk reduction,” at “climate adaptation” dahil sa kasalukuyang krisis ekolohikal.

Nilinaw naman ni DENR Secretary Roy Cimatu na tanging mga dumaan sa tamang proseso at sumunod sa mga itinakdang hakbang ang pinapayagang magbalik operasyon.

- Newsletter -

Kinumpirma rin ni Cimatu na naglabas na ng rekomendasyon ang DENR audit team sa mga hindi tinukoy na kompanyang magbabalik operasyon.

Magugunitang noong September 2017, ipinag-utos ng namayapang si DENR Secretary Gina Lopez ang pagpapasara at “suspension” ng “mining operations” ng 26 na minahan dahil sa paglabag sa “environmental standards” at sa Philippine Mining Act of 1995.

Ulat mula sa Radio Veritas 846

Leave a Reply

Make a difference!

We work tirelessly each day to support the mission of the Church by giving voice to the voiceless.
Your donation will add volume to our effort.
Monthly pledge

Latest