HomeDiocesan ReportsMapagpakumbabang Duterte nais makita ng sambayanang Filipino

Mapagpakumbabang Duterte nais makita ng sambayanang Filipino

Umaasa ang isang obispo ng Simbahang Katolika na isang mapagkumbabang Pangulong Rodrigo Duterte ang haharap sa publiko sa ika-limang State of the Nation Address sa Lunes, Hulyo 27.

Ayon kay Bishop-Emeritus Teodoro Bacani Jr. ng Novaliches, nawa’y ihayag ng Pangulong Duterte ang tunay na kalagayan ng bansa lalo na ngayong pandemya.

“Huwag magpapakita ng dictatorial tendencies. At harinawa, ay walang mura,” ayon sa obispo.




“Narinig ko si President Duterte noon, dinig na dinig ko sabi niya, ‘I have been humbled by this virus.’ Iyon ang gusto kong makita. Isang humble president na nagsasalita sa kanyang bayan bilang lingkod sa mga mamamayan, at hindi parang amo ng mga mamamayan,” ayon kay Bishop Bacani.

Sa panayam sa Veritas 846, sinabi ng obispo na hangad niya na mailahad ng pamahalaan ang mga programa nito upang tugunan ang kasalukuyang krisis at kung paano ibabangon ang bansa bilang isang bayan na nagkakaisa.

“Mga realistic measure para sa ganoon ay makabangon tayo muli bilang isang bayan na nagkakaisa, hindi nagkakawatak-watak, at hindi winawatak-watak ng mga namumuno,” ayon kay Bishop Bacani.

Sa kabila nito, may agam-agam pa rin ang obispo na kabilang sa magiging talumpati ng Pangulong Duterte ang pagpapatupad ng Anti-terrorism Law.

- Newsletter -

“Ano’ng inaasahan at kinatatakutan? Ang inaasahan ko’ng marinig sa Lunes … ay dapat naman talagang isiwalat ano ang kalagayan natin sa bansa? Iyong totoo. Walang palabok. Sabihin talaga kung ano ang nangyayari sa bansa, iyon ang inaasahan ko,” ani Bishop Bacani.

“Ikalawa, ang ikinatatakot ko na sabihin niya ay kung sasabihing ipaiiral na ang anti-terrorism law kahit wala pang mga implementing rules and regulations,” aniya.

Una na ring nagpahayag ng pagtutol ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines sa pagpapatupad ng anti-terror law.

Mula sa ulat ng Radio Veritas 846

© Copyright LiCAS.news. All rights reserved. Republication of this article without express permission from LiCAS.news is strictly prohibited. For republication rights, please contact us at: [email protected]

Support LiCAS.news

We work tirelessly each day to tell the stories of those living on the fringe of society in Asia and how the Church in all its forms - be it lay, religious or priests - carries out its mission to support those in need, the neglected and the voiceless.
We need your help to continue our work each day. Make a difference and donate today.

Latest