HomeNews AlertSangguniang Laiko umaasang ‘di magamit sa pang-aabuso ang ‘anti-terror law’

Sangguniang Laiko umaasang ‘di magamit sa pang-aabuso ang ‘anti-terror law’

Umaasa ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas na magkakaroon ng angkop na “guidelines” ang pagpapatupad ng Anti-Terrorism Act of 2020 upang matiyak na hindi ito maabuso.

Ayon kay Rouquel Ponte, presidente ng Sanggunian, mahalagang maging mapagmatyag at mapagbantay ang lahat sa panganib na maaaring idulot ng naturang batas.

Pinaalalahanan ni Ponte ang mga otoridad na maging makatarungan sa pagpapatupad ng batas upang maiwasan ang mga kaso ng pang-aabuso sa mga inosenteng mamamayan.




“It’s a law already so it has to be implemented,” aniya. “Sana yung mga guidelines, so that there will be no abuses, ay bantayan din ng mga authorities,” dagdag niya.

“Maging mapagmatyag … so let’s be vigilant as well,” pahayag ni Ponte sa panayam sa Veritas 846.

Nagpahayag naman ng pagkabahala si Ponte sa naging marahas na implementasyon ng pamahalaan ng “war on drugs” kung saan libo-libo ang nasawi.

“Unfortunate na ‘yong track record of this government has not been very high in terms of human rights, but hopefully, let us pray that as the general population becomes more vigilant … their rights are respected,” sabi Ponte.

- Newsletter -

© Copyright LiCAS.news. All rights reserved. Republication of this article without express permission from LiCAS.news is strictly prohibited. For republication rights, please contact us at: [email protected]

Support LiCAS.news

We work tirelessly each day to tell the stories of those living on the fringe of society in Asia and how the Church in all its forms - be it lay, religious or priests - carries out its mission to support those in need, the neglected and the voiceless.
We need your help to continue our work each day. Make a difference and donate today.

Latest