HomeDiocesan ReportsObispo ng Maynila nananawagan ng renewal ng prangkisa ng ABS-CBN

Obispo ng Maynila nananawagan ng renewal ng prangkisa ng ABS-CBN

Nakiisa si Bishop Broderick Pabillo, apostolic administrator ng Maynila, sa panawagan na bigyan muli ng prangkisa ang ABS-CBN television network.

Binigyang diin ng obispo ang kahalagahan ng media network sa paghahayag ng mga impormasyon sa publiko.

Hiling ng obispo sa mga mambabatas na iwasan ang pamumulitika sa pagbibigay ng prangkisa sa network, sa halip ay isaalang-alang ang kabutihan ng nakararami.




“Hinihiling po namin na sana hanapin ng mga kongresista ang ikabubuti sa pangkalahatan at hindi ang political agenda ng mga namumuno,” pahayag ni Bishop Pabillo sa Radio Veritas.

Sinabi ng Obispo na higit kinakailangan ng mamamayan sa panahong ng pandemya ang mga balita tungkol sa tunay na kalagayan ng lipunan.

“Nanawagan po ako sa mga Kongresista na boboto sa franchise ng ABS-CBN. Ito po ay kailangan ng mga tao, lalong lalo na sa panahon ngayon na kailangang kailangan nila ng balita, ng mga pahayag at entertainment sa panahong ito na may community quarantine dahil sa pandemic,” ayon sa obispo.

Nakatakdang magbobotohan ang mga mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso sa ikaanim ng Hulyo.

- Newsletter -

Ikinalungkot ni Bishop Pabillo na nagagamit ang Kongreso sa pamumulitika lalo na sa mga kritiko at pumupuna sa mga maling polisiya ng pamahalaan.

Umaasa ang obispo na isaalang-alang ng mga mambabatas na boboto sa desisyon ang kapakanan ng maraming Filipino at hindi ang interes ng iilang nasa kapangyarihan.

“Kaya dapat po sana ang mga kongresista ay panindigan nila ang tungkulin sa bayan at hindi po sa mga namumuno ng bansa,” dagdag ni Bishop Pabillo.

© Copyright LiCAS.news. All rights reserved. Republication of this article without express permission from LiCAS.news is strictly prohibited. For republication rights, please contact us at: [email protected]

Support LiCAS.news

We work tirelessly each day to tell the stories of those living on the fringe of society in Asia and how the Church in all its forms - be it lay, religious or priests - carries out its mission to support those in need, the neglected and the voiceless.
We need your help to continue our work each day. Make a difference and donate today.

Latest