Home Diocesan Reports Archbishop Cabantan nagpapasalamat sa mga taga-Malaybalay

Archbishop Cabantan nagpapasalamat sa mga taga-Malaybalay

Pinasalamatan ng bagong talagang arsobispo ng Cagayan de Oro ang mga mananampalataya ng Diyosesis ng Malaybalay sa Bukidnon dahil sa malaking ambag nila sa paghubog ng isang pastol ng Simbahang Katolika.

Sa panayam ng Radio Veritas kay Archbishop-elect Jose Cabantan, sinabi nitong ang mananampalataya ng Malaybalay ang tumulong sa kanya upang maging mabuting obispo.

“Hindi ito napag-aaralan, but you have to find your way kung mapipili kang obispo,” pahayag ni Bishop Cabantan sa Radio Veritas.



Labis din ang pasasalamat ng arsobispo sa mga pari, madre, at mga relihiyoso na naging katuwang niya sa pamamahala at paggabay sa mahigit isang milyong Katoliko sa lugar.

Hinirang ang obispo bilang kahalili ng nagretirong si Archbishop Emeritus Antonio Ledesma ng Cagayan de Oro noong Hunyo 23.

Bagamat hindi na bago kay Archbishop Cabantan ang Cagayan De Oro, tiniyak nitong makikipag-ugnayan siya sa mga pari at sa mga komunidad sa arkidiyosesis upang alamin ang kasalukuyang sitwasyon at makapagbalangkas ng mga programang angkop sa pagpapalago ng pananampalataya sa lugar.

Sa August 28, pormal na i-install si Archbishop Cabantan bilang Arsobispo ng Cagayan de Oro kasabay ng kapistahan ni San Agustin.

- Newsletter -

Ulat mula sa Radio Veritas 846

Leave a Reply

Make a difference!

We work tirelessly each day to support the mission of the Church by giving voice to the voiceless.
Your donation will add volume to our effort.
Monthly pledge

Latest