HomeDiocesan ReportsObispo ng Maynila nanawagan na ipagdasal ang Santo Papa

Obispo ng Maynila nanawagan na ipagdasal ang Santo Papa

Hinimok ng tagapangasiwa ng Arkidiyosesis ng Maynila ang mga mananampalataya na ipagdasal ang Santo Papa sa kanyang misyon na pangasiwaan ang kawan ng Diyos.

Ito ang panawagan ni Bishop Broderick Pabillo sa pagdiriwang ng “Pope’s Day” sa gitna ng krisis na dulot ng coronavirus disease na nakakaapekto hindi lamang sa Pilipinas kundi sa buong daigdig.

Ayon sa Obispo, higit na kinakailangan ni Pope Francis ang mga panalangin lalo’t malaki ang ginagampanan nito sa lipunan sa paghikayat na manatiling positibo sa gitna ng pandemya.




“Ipagdasal natin ang Santo Papa …. Tayo’y makiisa sa kanya lalong lalo na sa panahon ngayon,” panawagan ni Bishop Pabillo sa panayam ng Radio Veritas.

Sa pagdiriwang ng Pope’s Day, karaniwang nag-iimbita ang Apostolic Nunciature ng Pilipinas ng mga matataas na opisyal ng pamahalaan ngunit ipinagpaliban ito ngayong taon.

Hiling din ni Bishop Pabillo ang panalangin na mawakasan na ang COVID-19 pandemic at manumbalik na sa normal ang sitwasyon.

Dasal din ng obispo ang pagtatalaga ng bagong kinatawan ni Pope Francis sa Pilipinas na kasalukuyang sede vacante makaraang maitalaga si Archbishop Gabrieli Giordano Caccia bilang Permanent Observer ng Santo Papa sa United Nations.

- Newsletter -

Ang Pope’s Day ay ipinagdiriwang kasabay ng Kapistahan nina Apostol San Pedro at San Pablo tuwing ika-29 ng Hunyo.

Ito ay isang tradisyunal na pagdiriwang ng Simbahan bilang pagbibigay parangal kay San Pedro na itinalaga ni Hesus bilang unang Santo Papa ng Simbahang Katolika.

Ulat mula sa Radio Veritas 846

© Copyright LiCAS.news. All rights reserved. Republication of this article without express permission from LiCAS.news is strictly prohibited. For republication rights, please contact us at: [email protected]

Support LiCAS.news

We work tirelessly each day to tell the stories of those living on the fringe of society in Asia and how the Church in all its forms - be it lay, religious or priests - carries out its mission to support those in need, the neglected and the voiceless.
We need your help to continue our work each day. Make a difference and donate today.

Latest