Patuloy ang panawagan ni Bishop Roberto Gaa ng Novaliches sa mga kabataan na maglingkod sa Simbahan bilang mga Eucharistic minister, lector, at commentator.
“Intensified ang recruitment at saka ang orientation and formation ng bagong volunteers,” ayon kay Bishop Gaa sa programang Pastoral Visit on-the-air ng Barangay Simbayanan ng Radio Veritas.
Paliwanag ni Bishop Gaa na base sa ginawang survey ng bawat parokya, 40 porsiyento ng church volunteers ay pawang mga senior citizen.
Sa umiiral na quarantine, hindi pinapayagan ang mga matatanda, bata, at mga may sakit na lumabas ng tahanan dahil na rin sa panganib na mahawa sa sakit.
Ang mga bagong recruit ay sasailalim sa orientation at formation para sa kanilang bagong tungkulin ng paglilingkod.
Tiniyak ni Bishop Gaa, bagama’t nasa GCQ pa ang kalakhang Maynila na bukas pa rin ang mga parokya sa pagdaraos ng misa sa kabila ng limitadong bilang ng maaring dumalo.