HomeDiocesan ReportsOpisyal ng CBCP, nakikiisa sa migrant workers at seafarers

Opisyal ng CBCP, nakikiisa sa migrant workers at seafarers

Kinilala ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) at Stella Maris Philippines ang mga Migrant Workers at Seafarers bilang pakikiisa sa nalalapit na paggunita ng International Day of Family Remittance sa June 16.

Ayon kay Outgoing Balanga Bishop Ruperto Santos, Vice-chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People at CBCP Bishop Promoter ng Stella Maris Philippines, katangi-tangi ang gampanin ng mga kabilang sa sektor upang masuportahan ang pamilya na pinapatatag din ang ekonomiya ng Pilipinas.

“This International Day of Family Remittance is very praiseworthy celebration and grateful recognition of immense, valuable and essential contributions of migrant workers and seafarers all over the world, with the services and sacrifices of 200 million migrant workers who send money to over 800 million family members, lives are improved, promoted and secured. Economy is sustained and nourished,” ayon sa ipinadalang mensahe ni Bishop Santos sa Radio Veritas.



Hinimok din ng Obispo ang kapwa Pari na mag-alay ng misa para sa mga migrant seafarers at workers sa sa paggunita ng International Day of Family Remittance sa ikabubuti ng kanilang kapakanan at pamilya.

“Let us show our appreciation and gratitude to migrant workers and seafarers by promoting their rights, preserving their dignity and to protect them against injustices and exploitation,” bahagi pa ng mensaheng ipinadala ni Bishop Santos sa Radio Veritas,” Ayon sa United Nations (UN) at International Labor Organization noong 2019, aabot sa higit 200-milyon ang migrante kung saan 169-milyon ditto ay mga migrant workers sa buong mundo.

Naitala rin ng UN na noong 2022 ay umabot sa 630-bilyong dolyar ang kabuoan ng halaga na naipadala ng mga migrante sa kanilang mga pamilya sa bansa.

Sa datos ng Department of Migrant Workers at Philippine Statistics Authority noong 2022, umabot na sa 1.8-milyon ang bilang ng mga Overseas Filipino Workers habang naitala din noong nakalipas na taon na umabot sa 36.1-Billion US Dollars ang naipadalang halaga ng mga OFW para sa kanilang pamilya sa Pilipinas.

- Newsletter -

© Copyright LiCAS.news. All rights reserved. Republication of this article without express permission from LiCAS.news is strictly prohibited. For republication rights, please contact us at: [email protected]

Support LiCAS.news

We work tirelessly each day to tell the stories of those living on the fringe of society in Asia and how the Church in all its forms - be it lay, religious or priests - carries out its mission to support those in need, the neglected and the voiceless.
We need your help to continue our work each day. Make a difference and donate today.

Latest