HomeDiocesan ReportsObispo, umaapela ng dasal para sa paglago ng bokasyon

Obispo, umaapela ng dasal para sa paglago ng bokasyon

Sa kasalukuyan nasa sampung libo ang mga pari sa Pilipinas na naglilingkod sa mahigit 80 milyong Katoliko

Hinimok ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang mananampalataya na patuloy ipanalangin ang bokasyon upang higit na sumigla ang simbahan.

Ayon kay Bishop Roberto Gaa ng Novaliches, pangulo ng Episcopal Commission on Vocations, mahalagang suportahan ng mga layko ang paglago ng bokasyon ng mga kabataang handang maglingkod sa Panginoon.

“Tayo po ay magdasal para sa bokasyon, maging aktibo po tayo at pasiglahin ang Simbahan sa pamamagitan ng pag-aalay at paghahanap ng mas maraming pari na maglingkod sa kanya,” bahagi ng pahayag ni Bishop Gaa.



Ito ang mensahe ng obispo sa nalalapit na World Day of Prayer for Vocations sa April 30 kasabay ng Good Shepherd Sunday.

Kaugnay nito, magsasagawa ng Holy Hour for Vocations ang Diocese of Novaliches sa April 29, alas otso ng gabi na pangungunahan ni Father Marvin Riquez.

Sa panayam ng Radio Veritas kay Father Riquez, binigyang diin nito ang patuloy na paglago ng bokasyon sa Pilipinas dahil sa suporta at panalangin ng mamamayan.

“Isang hamon sa atin na huwag tumigil ipagdasal ang bokasyon sapagkat sa pamamagitan ng mga panalangin ay lumalago at dumadami ang bokasyon,” pahayag ni Father Riquez sa Radio Veritas.

- Newsletter -

Inaanyayahan ng pari ang publiko na dumalo sa Holy Hour for Vocations na gaganapin sa Sta. Lucia Parish sa Novaliches kung saan matutunghayan din sa official Facebook page ng parokya at ng diocese.

Sa kasalukuyan nasa sampung libo ang mga pari sa Pilipinas na naglilingkod sa mahigit 80 milyong Katoliko sa 86 na mga arkidiyosesis, diyosesis, prelatura at bikaryato.

Hinikayat ni Father Riquez ang mga kabataang tinawag sa paglilingkod na bisitahin ang mga tanggapan ng vocation director sa bawat diyosesis o sa kongregasyon ng mga relihiyoso.

Tema ng ika-60 anibersaryo ng World Day of Prayer for Vocations ang “Pray the Lord of the harvest to send laborers into his harvest” na hango sa ebanghelyo ni San Mateo at San Lucas.

© Copyright LiCAS.news. All rights reserved. Republication of this article without express permission from LiCAS.news is strictly prohibited. For republication rights, please contact us at: [email protected]

Support LiCAS.news

We work tirelessly each day to tell the stories of those living on the fringe of society in Asia and how the Church in all its forms - be it lay, religious or priests - carries out its mission to support those in need, the neglected and the voiceless.
We need your help to continue our work each day. Make a difference and donate today.

Latest