HomeNewsLiturgical song writing contest, inilunsad ng Radio Veritas

Liturgical song writing contest, inilunsad ng Radio Veritas

Bukas ang patimpalak sa professional at amateur composers at kinakailangan ang endorsement ng kura paroko upang makasali

Naniniwala si Radio Veritas president Father Anton CT Pascual na mahalaga ang musika sa pagpapalago ng pananampalataya.

Ito ang layunin ng himpilan sa paglunsad ng nationwide regular liturgical song writing contest na “Himig ng Katotohanan.”

Ayon kay Father Pascual, tututukan sa song writing contest ang apat na processional song sa mga misa — ang “entrance, offertory, communion, at recessional.”



“Ang pag-awit ay isang napakagandang paraan ng paglago sa buhay espiritwal. Music is the language of the soul,” pahayag ni Father Pascual.

Hinimok ni Father Pascual ang mga Catholic composer lalo na ang mga choir sa mahigit tatlong libong parokya sa bansa na makilahok sa patimpalak at makatulong sa liturgical music ng simbahan.

Bukas ang patimpalak sa professional at amateur composers at kinakailangan ang endorsement ng kura paroko upang makasali.

Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang official website ng himpilan www.veritasph.net o sa Facebook DZRV 846 kung saan maaring makita at i-scan ang QR Code.

- Newsletter -

Inilunsad ang “Himig ng Katotohanan” noong April 9, Easter Sunday, kasabay sa ika-54 na anibersaryo ng Radio Veritas.

Itinakda sa katapusan ng Agosto ang deadline ng mga entry sa patimpalak habang sa November 22 ang “finals” kasabay ng kapistahan ni Sta. Cecilia ang patron ng Church music at mga choir ng simbahan.

© Copyright LiCAS.news. All rights reserved. Republication of this article without express permission from LiCAS.news is strictly prohibited. For republication rights, please contact us at: [email protected]

Support LiCAS.news

We work tirelessly each day to tell the stories of those living on the fringe of society in Asia and how the Church in all its forms - be it lay, religious or priests - carries out its mission to support those in need, the neglected and the voiceless.
We need your help to continue our work each day. Make a difference and donate today.

Latest