HomeDiocesan ReportsIsang biyaya ang pag-iikot ng Pilgrim Relics of St.Therese of the Child...

Isang biyaya ang pag-iikot ng Pilgrim Relics of St.Therese of the Child Jesus

Tema ng pagdalaw ng relikya ni Sta. Teresita ang “Lakbay Tayo St. Therese! Ka-Alagad, Kaibigan, Ka-Misyon!”

Itinuturing na biyaya ng Chaplain Service ng Philippine National Police ang paglilingkod at pagsisilbing gabay ng mga kawani ng tanggapan sa pag-iikot sa bansa ng Pilgrim Relics of Saint Therese of the Child Jesus.

Ayon kay Police Brigadier General Msgr. Jason Ortizo, PNP-Chaplain Service Director, itinuturing nilang isang biyaya at karangalan na maglingkod at tiyakin ang kaayusan at kapayapaan sa ikalimang pagbisita ng relikya ni Sta. Teresita sa bansa.

Ayon sa pari, may pambihirang puwang sa puso at pananampalataya ng mga kawani ng PNP at Armed Forces of the Philippines ang pananalig kay Sta. Teresita kaya naman buong pusong handang maglingkod ang mga pulis at sundalo sa pagtiyak ng kaayusan ng pag-iikot sa bansa ng relikya.



“Sobrang napakalaking blessing … and talagang alam naman natin na very miraculous ang relic ni St. Therese and she had this special heart for the uniformed and law enforcers personnel kaya nangunguna ang mga kapulisan, kasundaluhan sa kayang pinaparoonan sa iba’t ibang sulok ng Pilipinas,” pahayag ni Msgr. Ortizo.

Ang relikya ni Sta. Teresita ay dumating sa bansa noong Enero 2, 2023, kasabay ng ika–150 kapangakan ng santo, at magtatapos naman ang pagdalaw sa bansa sa ika-30 ng Abril.

Tema ng pagdalaw ng relikya ni Sta. Teresita ang “Lakbay Tayo St. Therese! Ka-Alagad, Kaibigan, Ka-Misyon!”

Unang dumalaw sa bansa ang pilgrim relic ni St. Therese taong 2000 at nasundan noong taong 2008, 2013, at 2018.

- Newsletter -

© Copyright LiCAS.news. All rights reserved. Republication of this article without express permission from LiCAS.news is strictly prohibited. For republication rights, please contact us at: [email protected]

Support LiCAS.news

We work tirelessly each day to tell the stories of those living on the fringe of society in Asia and how the Church in all its forms - be it lay, religious or priests - carries out its mission to support those in need, the neglected and the voiceless.
We need your help to continue our work each day. Make a difference and donate today.

Latest