HomeDiocesan ReportsPaghinto ng mining operations sa Brooke’s Point, suportado ng isa pang obispo

Paghinto ng mining operations sa Brooke’s Point, suportado ng isa pang obispo

Aniya, ang mga taong nagprotesta “ay kabilang sa nakaranas ng mga pagbaha dahil sa pag-uulan at hindi naman sila nakikinabang sa mining”

Suportado ni Bishop Broderick Pabillo ng Taytay, Palawan, ang panawagan ng mga residente ng Barangay Ipilan, Brooke’s Point, Palawan, laban sa na operasyon ng Ipilan Nickel Corporation.

Ayon kay Bishop Pabillo, chairman ng Episcopal Office on Stewardship, ang pagmimina sa Brooke’s Point ang unti-unting sumisira sa likas na yaman at kagandahan ng lugar dahil sa pagbubungkal sa mga bundok at pagpuputol sa mga punongkahoy na nagiging sanhi ng malawakang pagbaha.

“Ako po ay nakikiisa sa mga pumipigil sa pagmimina d’yan sa Ipilan sa Brooke’s Point kasi nakita po natin ang epekto nun ay talagang nakasira sa environment,” pahayag ng obispo sa panayam ng Radio Veritas 846.



Aniya, ang mga taong nagprotesta “ay kabilang sa nakaranas ng mga pagbaha dahil sa pag-uulan at hindi naman sila nakikinabang sa mining.”

Iginiit ng Obispo na ang malalaking korporasyon lamang ang nakikinabang sa pagmimina, habang lalo pang naghihirap ang taumbayan dahil sa dulot nitong pinsala sa buhay, ari-arian, at kalikasan.

Sinabi ni Bishop Pabillo na ang matatag na paninindigan ng mga apektadong residente laban sa pagmimina ay halimbawa ng pagiging mabubuting katiwala ng sangnilikha ng Diyos.

Dalangin naman ng obispo ang kaligtasan ng mga residenteng nagsasagawa ng barikada sa Brooke’s Point at madinig ng pamahalaan ang panawagan.

- Newsletter -

“Nawa’y magbunga ang paninindigan ng mga tao upang hindi na payagan ang nickel mining sa Ipilan, pati na rin ang pagsasantabi ng pamahalaan sa anumang uri ng pagmimina na nakakasira ng ating inang kalikasan,” ayon kay Bishop Pabillo.

Nauna nang sinabi ni Bishop Socrates Mesiona na ang pagtutol ng taumbayan sa pagmimina ay karapatang dapat igalang dahil layunin nitong ipagtanggol ang kanilang kaligtasan, kalikasan, at pamayanan.

© Copyright LiCAS.news. All rights reserved. Republication of this article without express permission from LiCAS.news is strictly prohibited. For republication rights, please contact us at: [email protected]

Support LiCAS.news

We work tirelessly each day to tell the stories of those living on the fringe of society in Asia and how the Church in all its forms - be it lay, religious or priests - carries out its mission to support those in need, the neglected and the voiceless.
We need your help to continue our work each day. Make a difference and donate today.

Latest