HomeNewsMilitary ties ng Pilipinas sa ibang bansa, kinilala ng obispo

Military ties ng Pilipinas sa ibang bansa, kinilala ng obispo

“Alam po natin na hindi lang po ito tungkol sa mga preparation for sigalot, ito rin po ay pagbubuklod ng mga bansa,” ayon sa obispo

Isulong ang kapayapaan upang epektibong magtulungan ang bawat bansa.

Ito ang mensahe at pagkilala ni Bishop Oscar Jaime Florencio ng Military Ordinariate of the Philippines sa patuloy na pakikipag-ugnayan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa ibang bansa.

Ayon sa obispo, mahalaga ang mga hakbang ng AFP na pinapatibay ang bilateral relations upang mapalawak ang pakikipag-alyansa katuwang ang ibang bansa.



“Alam po natin na hindi lang po ito tungkol sa mga preparation for sigalot, ito rin po ay pagbubuklod ng mga bansa,” ayon sa obispo.

“Ang tingin ko diyan, (it) is more of how we can be a big help also to them, and they are to us as well,” ayon kay Bishop Florencio sa panayam sa Radio Veritas 846.

Ang mensahe ng obispo ay inilabas matapos ang malugod na pagtanggap ng Pilipinas sa mga bumisitang banyagang opisyal noong nakalipas na linggo.

Ilan sa mga ito ay sina Australian Minister of Defense Richard Marles, Admiral Michael Gilday ng United States, at United Nations Command in Korea Deputy Commander Lt.Gen Andrew Harrison.

- Newsletter -

Pinangunahan naman nina Acting Defense Secretary Carlito Galvez, General Andres Centino ng Army, at ni AFP Inspector General LtGen William Gonzales ang pagtanggap sa foreign officials.

“Ang tingin ko dito ay ang tingin din ng ating Pope Francis about communion, pakikiisa at synodality kasama doon sa pagkakaisa to participate with others, because hindi po ibig sabihin na porke’t tayo ay isang third world nation wala tayong mai-contribute,” ayon kay Bishop Florencio.

Bukod sa mga bilateral relations para isulong ang kapayapaan at ekonomiya ay pangunahing natalakay sa mga pulong ang pagsusulong ng mga joint military training upang malinang ang kakakayahan ng mga sundalo.

© Copyright LiCAS.news. All rights reserved. Republication of this article without express permission from LiCAS.news is strictly prohibited. For republication rights, please contact us at: [email protected]

Support LiCAS.news

We work tirelessly each day to tell the stories of those living on the fringe of society in Asia and how the Church in all its forms - be it lay, religious or priests - carries out its mission to support those in need, the neglected and the voiceless.
We need your help to continue our work each day. Make a difference and donate today.

Latest