HomeNewsPagsuporta sa mga migrante sa iba’t-ibang bansa, tiniyak ng obispo

Pagsuporta sa mga migrante sa iba’t-ibang bansa, tiniyak ng obispo

“Tulad ng sinabi ng Santo Papa, hindi dapat natin pabayaan ang mga migrante at sa halip, dapat natin silang alagaan at ingatan”

Tiniyak ni Bishop Ruperto Santos ng Balanga na mananatili at paiigtingin ng Simbahan ang pagsuporta sa mga migranteng naglalakbay at nagha-hanapbuhay sa iba’t ibang bahagi ng mundo.

Ito ang sinabi ng obispo kaugnay sa pagtatatag ng Diocesan Migrants’ Ministry sa Diyosesis ng Balanga na dinaluhan ni Vatican Migrants’ and Refugees Section undersecretary Father Fabio Baggio, CS.

Ito’y upang higit na mapagtuunan at pahalagahan ang pagsasakripisyo ng Overseas Filipino Workers para mabigyan nang magandang buhay ang mga naiwang pamilya sa bansa.



“Alam natin na ang puso ng ating Santo Papa [Francisco] ay puso na malapit sa’ting mga migrants and refugees — pusong nagmamahal, pusong naglilingkod, at pusong nagmamalasakit para sa kanila,” pahayag ni Bishop Santos.

“Tulad ng sinabi ng Santo Papa, hindi dapat natin pabayaan ang mga migrante at sa halip, dapat natin silang alagaan at ingatan,” ayon sa obispo sa panayam ng Radio Veritas 846.

Iginiit ni Bishop Santos na mahalagang mapagtuunan ang karapatan ng mga migrante, maging ang mga refugees upang mapangalagaan sa banta ng diskriminasyon, pang-aabuso at human trafficking.

Nangako naman ang obispo na gagampanan nang mabuti ng simbahan ang tungkulin upang magsilbing gabay at kaagapay ng mga migrante sa pagsisikap na muling makabangon mula sa anumang pinagdaraanan.

- Newsletter -

“Para sa ating mga migrants and refugees, especially sa atin ding mga seafarers ay makakaasa kayo na kung saan ang simbahan ay kasama, kapiling at katuwang ninyo,” ayon kay Bishop Santos.

“Kami ang inyong kamay at kasangkapan upang sa ganon ay maitaguyod at maitayo namin kayo. At gagawin lahat ng Simbahan para sa inyo sapagkat mahal na mahal at mahalaga kayo sa Simbahan,” aniya.

Sa datos ng United Nations Refugee Agency, nasa 82 milyong indibidwal ang napilitang lumikas sa kani-kanilang bansa dahil sa gutom, kahirapan, at karahasan.

Nauna nang nanawagan sa mamamayan ang Simbahang Katolika na maging pamilya at taos-pusong tanggapin ang mga migrants at refugee na nangangailangan ng tulong at gabay upang muling makapagsimula ng panibagong buhay.

© Copyright LiCAS.news. All rights reserved. Republication of this article without express permission from LiCAS.news is strictly prohibited. For republication rights, please contact us at: [email protected]

Support LiCAS.news

We work tirelessly each day to tell the stories of those living on the fringe of society in Asia and how the Church in all its forms - be it lay, religious or priests - carries out its mission to support those in need, the neglected and the voiceless.
We need your help to continue our work each day. Make a difference and donate today.

Latest