HomeNewsMinimum health standard, mahigpit na ipapatupad sa kapistahan ng poong Nazareno

Minimum health standard, mahigpit na ipapatupad sa kapistahan ng poong Nazareno

Dapat tandaan ng mga debotong makikiisa sa Kapistahan ng Poong Nazareno ang pag-iingat sa kalusugan lalo’t nananatili pa rin ang banta ng COVID

Mahigpit na ipapatupad sa Kapistahan ng Mahal na Poong Nazareno sa January 7-9, 2023, ang minimum public health standards laban sa COVID-19.

Sinabi ni Manila Mayor Honey Lacuna na dapat tandaan ng mga debotong makikiisa sa Kapistahan ng Poong Nazareno ang pag-iingat sa kalusugan lalo’t nananatili pa rin ang banta ng virus sa kapaligiran.

“Tatlo lang naman po ‘yung kailangan nating i-sure — using of the face mask, physical distancing, and ‘yung regular po na paglilinis ng ating mga kamay,” pahayag ni Lacuna.



Iginiit ng alkalde na bagamat pinahihintulutan na ang hindi sapilitang pagsusuot ng face mask, higit pa ring mahalaga na isaalang-alang ang proteksyon lalo na sa mga lugar na mayroong pagsisiksikan ng mga tao.

Sinabi naman ni Lacuna na magtatalaga ang lokal na pamahalaan ng Maynila ng mga stations kung saan mamamahagi ng mga face mask upang matiyak na may pananggalang sa virus ang mga dadalong deboto ng Poong Nazareno.

“Since ina-anticipate na po natin na marami po talagang deboto ang dadating, gusto po namin talaga, as much as possible, lahat po naka-face mask,” aniya.

“In fact, sa atin pong mga stations, magpapalagay po kami ng face mask to ensure lang na mga naka-face mask po ang mga magsisipagdalo sa celebration natin ng Feast of the Black Nazarene,” ayon sa alkalde.

- Newsletter -

Maliban dito, paalala din ng pamunuan ng Minor Basilica of the Black Nazarene o Quiapo Church sa mga deboto na kapag nakaranas ng anumang sintomas ng COVID-19 ay manatili na lamang muna sa mga tahanan upang hindi na makapanghawa ng kapwa.

© Copyright LiCAS.news. All rights reserved. Republication of this article without express permission from LiCAS.news is strictly prohibited. For republication rights, please contact us at: [email protected]

Support LiCAS.news

We work tirelessly each day to tell the stories of those living on the fringe of society in Asia and how the Church in all its forms - be it lay, religious or priests - carries out its mission to support those in need, the neglected and the voiceless.
We need your help to continue our work each day. Make a difference and donate today.

Latest