HomeCommentaryKabayanihan ang pagtulong sa kapwa — Bishop Bagaforo

Kabayanihan ang pagtulong sa kapwa — Bishop Bagaforo

Ayon sa Obispo ang pagpapamalas ng pagmamahal, pagkalinga at pagtugon sa pangangailangan ng kapwa ay kongkretong pagpapakita ng pagmamahal sa bayan

Ang lahat ay maituturing na bayani ng kapwa.

Ito ang binigyang diin ni Bishop Jose Colin Bagaforo ng Kidapawan, national director ng Caritas Philippines, sa paggunita ng 126th death anniversary ng pambansang bayani ng Pilipinas na si Dr. Jose Rizal.

Ayon sa Obispo ang pagpapamalas ng pagmamahal, pagkalinga at pagtugon sa pangangailangan ng kapwa ay kongkretong pagpapakita ng pagmamahal sa bayan na isa sa pangunahing katangian ng isang bayani.

Tinukoy ni Bishop Bagaforo ang pagtugon ng bawat isa sa kalagayan ng nasalanta ng malawakang pagbaha dulot ng masamang panahon sa Eastern Visayas gayundin sa malaking bahagi ng Mindanao.



“Lahat po tayo ay bayani ng ating mga kapwa, kaya ang napakagandang pagpapakita ng ating pagmamahal sa bayan at ang pagpapakita ng halimbawa ng ating mga bayani ay ang pag-aalay kapwa natin lalong lalo na sa mga nasalanta ng sama ng panahon [bagyo], biktima at maraming naghihirap. Makibahagi po tayo at mag-alay kapwa yan po ang mga katangian ng isang mga bayani katulad nating mga Filipino,” pahayag ni Bishop Bagaforo sa Radio Veritas.

Ibinahagi naman ni Bishop Bagaforo na bilang social action at development arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ay unang nakapagpaabot ng tulong pinansyal ang Caritas Philippines sa mga nasalanta ng malawakang pagbaha sa pamamagitan ng social action center ng iba’t ibang diyosesis sa mga apektadong lugar.

Tiniyak ng Obispo na hindi dapat mabahala at mawalan ng pag-asa ang mamamayan sa pagmamahal ng Diyos sapagkat hindi pababayaan ng Simbahan ang mamamayang nangangailangan ng tulong at ayuda sa oras ng mga pagsubok.

- Newsletter -

“Huwag po kayong mabahala ating mga kababayan na nasalanta ng sama ng panahon [bagyo] hindi po naming kayo makakalimutan at ang tulong ay handa naming ipaabot sa inyo, at huwag po tayong mawalan ng pag-asa sa pagmamahal ng Diyos sa atin at ito ay isa na namang pagsubok,” dagdag pa ni Bishop Bagaforo.

Samantala, umaasa naman ang Obispo na dahil sa panigong kaso ng malawakang pagbaha dulot ng sama ng panahon ay higit ng mabuksan ang kamalayan ng bawat isa tungkol sa pangangalaga ng kalikasan.

Ipinaliwanag ni Bishop Bagaforo na ang mga nagaganap na flashfloods, landslides at malawakang pagbaha sa mga komunidad ay bunga ng kawalan ng balanse sa kalikasan na dulot na rin ng kapabayaan at pang-aabuso sa kalikasan at kapaligiran.

© Copyright LiCAS.news. All rights reserved. Republication of this article without express permission from LiCAS.news is strictly prohibited. For republication rights, please contact us at: [email protected]

Support LiCAS.news

We work tirelessly each day to tell the stories of those living on the fringe of society in Asia and how the Church in all its forms - be it lay, religious or priests - carries out its mission to support those in need, the neglected and the voiceless.
We need your help to continue our work each day. Make a difference and donate today.

Latest