HomeChurch & AsiaTulungan ang mga inuusig, panawagan ng Aid to the Church in Need

Tulungan ang mga inuusig, panawagan ng Aid to the Church in Need

“Hindi lang dapat tuwing Red Wednesday Campaign inaalala at tinutulungan ang mga persecuted Christians"

Hinikayat ng opisyal ng pontifical foundation na Aid to the Church in Need ang mamamayan na patuloy tulungan ang mga inuusig dahil sa paninindigan sa pananampalataya.

Ayon kay Msgr. Gerry Santos, ACN Board of Trustee sa Pilipinas, mahalagang lingapin ng mamamayan ang mga inuusig sapagkat araw-araw itong nangyayari sa iba’t ibang panig ng daigdig.

“Hindi lang dapat tuwing Red Wednesday Campaign inaalala at tinutulungan ang mga persecuted Christians kasi araw-araw nangyayari yun,” pahayag ni Msgr. Santos sa Veritas 846.



“Kailangan unang una ay galaw ng pananalangin, ikalawa ay information at ikatlo ay pagtulong pinansyal,” aniya.

Nagsagawa ng Red Wednesday campaign nitong November 23 sa Misang ginanap sa International Shrine of Our Lady of Peace and Good Voyage o Antipolo Cathedral na pinangunahan ni Bishop Francisco de Leon.

Ipinaliwanag ni Msgr. Santos na higit kinakailangang paigtingin ang pananalangin sa kaligtasan ng bawat kristiyano sapagkat lumalala ang kaso ng karahasan dahil sa pananampalataya.

“Ang mas mahalaga po doon sa pagtulong na iyon ay ang inyong pang-araw-araw na pananalangin kasi there are more persecutions now than any of the centuries,” ani Msgr. Santos.

- Newsletter -

Sa homiliya naman ni Bishop de Leon, tinukoy nito ang ilan sa mga dahilan ng pang-uusig sa mga kristiyano tulad ng paniniwala ng ilang teroristang grupo, sekularismo, materyalismo, at ang kawalang moralidad ng tao.

Ikinalungkot ng obispo na maraming mga simbahan sa ibang panig ng daigdig na nilalapastangan ngunit nanatiling tahimik ang mamamayan at maging ang pamahalaan.

“Our defense is to urge the government to do something about it since what are done are against the law.” ani Bishop de Leon.

Tema ng Red Wednesday campaign ngayong taon ang “Blessed are the Persecuted” na layong paigtingin ang kampanyang ipanalangin ang bawat Kristiyanong nakararanas ng karahasan sa buong mundo.

Ayon sa pag-aaral ng Open Doors USA nasa 360-milyong Kristiyano ang naninirahan sa mga bansang marami ang pang-uusig sa mananampalataya.

© Copyright LiCAS.news. All rights reserved. Republication of this article without express permission from LiCAS.news is strictly prohibited. For republication rights, please contact us at: [email protected]

Support LiCAS.news

We work tirelessly each day to tell the stories of those living on the fringe of society in Asia and how the Church in all its forms - be it lay, religious or priests - carries out its mission to support those in need, the neglected and the voiceless.
We need your help to continue our work each day. Make a difference and donate today.

Latest