HomeDiocesan ReportsPangangailangan ng mga napinsala ng bagyo, tinutugunan ng Simbahan sa Bulacan

Pangangailangan ng mga napinsala ng bagyo, tinutugunan ng Simbahan sa Bulacan

Sa kasalukuyan, patuloy ang pagtugon ng SAC Malolos sa pangangailangan ng mga mamamayan na naapektuhan ng bagyo

Patuloy ang Diocese of Malolos Social Action Center (SAC) sa assessment ng pinsalang idinulot ng bagyong Karding sa lalawigan ng Bulacan.

Ayon kay Monsignor Melchor Ignacio, SAC director ng Diocese of Malolos, ang munisipalidad ng San Miguel, Bulacan, ang pangunahing napinsala matapos ang pagbahang idinulot ng bagyo.

“In general naman doon sa sampung bikarya, isang bikarya lang talaga ang medyo napuruhan, which is yung bayan ng San Miguel,” sabi ni Msgr. Ignacio.



Sa kasalukuyan, patuloy ang pagtugon ng SAC Malolos sa pangangailangan ng mga mamamayan na naapektuhan ng bagyo.

Bukod sa pagbubukas ng mga simbahan upang magsilbing evacuation centers ay tiniyak ni Msgr. Ignacio ang kahandaan na agad mamamahagi ng relief goods sa mga biktima ng bagyo.

“So ayun po ang number one priority ngayon, and then ayun nga yung assessment, tingnan namin kung ano pa yung pwedeng maibigay na tulong once na makita namin yung situation, tapos yung mga simbahan ay binuksan for evacuees simula kagabi,” pahayag ng pari.

- Newsletter -

© Copyright LiCAS.news. All rights reserved. Republication of this article without express permission from LiCAS.news is strictly prohibited. For republication rights, please contact us at: [email protected]

Support LiCAS.news

We work tirelessly each day to tell the stories of those living on the fringe of society in Asia and how the Church in all its forms - be it lay, religious or priests - carries out its mission to support those in need, the neglected and the voiceless.
We need your help to continue our work each day. Make a difference and donate today.

Latest