HomeDiocesan ReportsSeabed quarrying sa Cavite, tinututulan ng Diocese of Imus

Seabed quarrying sa Cavite, tinututulan ng Diocese of Imus

Sinabi ng obispo na lubha ng apektado ng quarrying ang hanapbuhay ng mga mangingisda sapagkat kaunti na lamang ang kanilang nahuhuli

Mariing tinututulan ng Diyosesis ng Imus ang isinasagawang seabed quarrying sa mga baybayin sa lalawigan ng Cavite.

Ayon kay Bishop Reynaldo Evangelista, hindi makatarungan ang nasabing proyekto sapagkat malaki na ang dulot nitong pinsala sa kalikasan lalo na sa mga komunidad na malapit sa dagat.

Sinabi ng obispo na lubha ng apektado ng quarrying ang hanapbuhay ng mga mangingisda sapagkat kaunti na lamang ang kanilang nahuhuli.



“Tinututulan ng diyosesis, tinututulan ng inyong lingkod, ng buong kaparian ng diyosesis, ng ministry on ecology ang seabed quarry na ito,” bahagi ng pagninilay ni Bishop Evangelista sa pagbubukas ng “Season of Creation” sa Diocesan Shrine and Parish of Our Lady of the Pillar o Imus Cathedral.

Inanunsyo naman ni Bishop Evangelista na sa mga susunod na mga araw ay magsasagawa ng signature campaign ang diyosesis bilang panawagang pigilan ang mapaminsalang quarrying sa baybayin ng Cavite.

Panawagan din ng obispo sa publiko ang pagtutulungan upang maisakatuparan ang pagpigil sa proyekto.

“Baka naman kayo’y may impluwensiya sa mga nasa gobyerno, pakisabihan naman ninyo. Huwag namang gawin ito. Kawawa ang ating karagatan at ang maraming mga tao. Magtutulong tulong tayo para maipahatid ito sa mga kinauukulan,” panawagan ni Bishop Evangelista.

- Newsletter -

Sa huli’y dalangin ni Bishop Evangelista na dinggin nawa ng mga kinauukulan ang hinaing ng publiko bilang pagtugon na rin sa tema ng Season of Creation ngayong taon na “Listen to the Voice of Creation.”

© Copyright LiCAS.news. All rights reserved. Republication of this article without express permission from LiCAS.news is strictly prohibited. For republication rights, please contact us at: [email protected]

Leave a Reply

Support LiCAS.news

We work tirelessly each day to tell the stories of those living on the fringe of society in Asia and how the Church in all its forms - be it lay, religious or priests - carries out its mission to support those in need, the neglected and the voiceless.
We need your help to continue our work each day. Make a difference and donate today.

Latest