HomeDiocesan ReportsMga katekista, binigyang pugay sa pagdiriwang ng National Catechetical month

Mga katekista, binigyang pugay sa pagdiriwang ng National Catechetical month

Tema ng pagdiriwang ngayong taon ang “The Catechists, Walking Together as Witnesses of the New Life in Christ”

Pinasalamatan ng Diocese of Novaliches ang mga katekistang nag-alay ng panahon na maging katuwang ng Simbahan sa pagpapalaganap ng mga turo ng panginoon.

Ito ang mensahe ni Father Eduardo Molina, director ng Novaliches Diocesan Catechetical Foundation Inc., sa pagsisimula ng Catechetical month ngayong Setyembre.

Ayon sa pari, malaki ang naitutulong ng mga katekista sa paglago ng Simbahan sa pamamagitan ng mga katesismo sa mga paaralan at pamayanan.



“The Church will be impoverished without your support,” aniya.

“Maraming salamat sa pagtugon ninyo sa tawag ni Hesus na tuparin ang inyong vocation bilang propeta at alagad,” bahagi ng pahayag ni Father Molina sa Radio Veritas 846.

Hinimok ng pari ang mga katekista ng diyosesis na magtulungan upang manatiling matatag sa paglilingkod lalo’t muling pinahintulutan ang face to face classes ng mga eskwelahan ngayong taon.

Una nang kinilala ni Bishop Jose Elmer Mangalinao, chairman ng Episcopal Commission on Catechesis and Catholic Education, ang mga katekista bilang aktibong mission partner sa pagpalaganap ng turo ng Simbahan upang mahubog ang kabataan.

- Newsletter -

Paalala ng obispo sa mananampalataya na tungkuling ng bawat binyagan ang maging katekista at misyonero ng Simbahan upang dalhin si Hesus sa mga pamayanan.

Tuwing Setyembre, ipinagdiriwang ng Simbahan sa Pilipinas ang National Catechetical Month bilang pagbibigay pugay kay San Lorenzo Ruiz, ang kauna-unahang martir na santong Pilipino na aktibong katekista noong nabubuhay pa.

Tema ng pagdiriwang ngayong taon ang “The Catechists, Walking Together as Witnesses of the New Life in Christ” kung saan ipinaalala sa mananamapalataya ang misyon na sama-samang paglalakbay bilang binyagan at tagasunod ni Kristo.

Sa pag-aaral ng National Catechetical Studies ng University of Santo Tomas nasa 50-libo ang mga katekista sa buong bansa.

© Copyright LiCAS.news. All rights reserved. Republication of this article without express permission from LiCAS.news is strictly prohibited. For republication rights, please contact us at: [email protected]

Leave a Reply

Support LiCAS.news

We work tirelessly each day to tell the stories of those living on the fringe of society in Asia and how the Church in all its forms - be it lay, religious or priests - carries out its mission to support those in need, the neglected and the voiceless.
We need your help to continue our work each day. Make a difference and donate today.

Latest