HomeNewsMataas na matrikula sa Catholic schools, binigyang linaw ni Bishop David

Mataas na matrikula sa Catholic schools, binigyang linaw ni Bishop David

Sa nakalipas na pandemya, ilang mga pribado at Katolikong paaralan ang nagsara dulot ng pagkalugi dahil sa kakulangan ng mga estudyante

Binigyang linaw ni Bishop Pablo Virgilio David, pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines, ang madalas na mataas na matrikula sa Catholics schools subalit mababa umano ang suweldo ng mga guro.

Ipinaliwanag ng obispo na kung tutuusin ay mas mahal ang gastos ng bawat estudyante sa pampublikong paaralan na ang pondo ay mula sa buwis ng mamamayan.

“Mas malaki ang budget ng public schools dahil mas mahal ang pasweldo sa kanilang mga teachers,” ayon sa obispo.

“Para maipantay ng Catholic schools ang sweldo ng kanilang mga teachers sa sweldo sa public, kailangan nilang magtaas ng tuition,” aniya.



“Hindi naman aaprubahin ng [Department of Education] ang biglaang pagtaas ng tuition ng mga private schools,” pahayag ni Bishop David sa Radio Veritas 846.

Ang pondo sa mga pribadong paaralan, kabilang na ang Catholic institutions, ay mula sa matrikulang ibinabayad ng mga mag-aaral na inilalaan sa suweldo ng mga teaching and non-teaching personnel, pagpapagawa ng mga silid aralan at iba pang pangangailangan ng paaralan.

Iginiit ng obispo na ang pagkakaroon ng dagdag suweldo sa mga guro ay nangangahulugan din ng umento sa matrikula na kailangan din munang isangguni sa pamahalaan.

- Newsletter -

Sa nakalipas na pandemya, ilang mga pribado at Katolikong paaralan ang nagsara dulot ng pagkalugi dahil sa kakulangan ng mga estudyante.

Itinanggi ni Bishop David na ang mga pribadong paaralan ay para lamang sa maykaya dahil sa katunayan ay naglaan ng pondo ang Simbahan para sa mga mag-aaral na mahihirap.

“Marami ring mga mahihirap ang nag-aaral sa mga Catholic schools dahil sa pagsusumikap ng mga Catholic schools na maglaan ng pondo o magkaroon ng mga foundations na pwedeng mag-provide ng scholarship grant o financial assistance sa kanilang mga poor but deserving students,” dagdag ng obispo.

© Copyright LiCAS.news. All rights reserved. Republication of this article without express permission from LiCAS.news is strictly prohibited. For republication rights, please contact us at: [email protected]

Support LiCAS.news

We work tirelessly each day to tell the stories of those living on the fringe of society in Asia and how the Church in all its forms - be it lay, religious or priests - carries out its mission to support those in need, the neglected and the voiceless.
We need your help to continue our work each day. Make a difference and donate today.

Latest