HomeDiocesan ReportsSambayanang Filipino, hinimok na makiisa sa 'Season of Creation'

Sambayanang Filipino, hinimok na makiisa sa ‘Season of Creation’

Ang "Season of Creation" ay panahon upang hikayatin ang bawat isa na pakinggan ang panawagan ng kalikasan

Hinihimok ni Bishop Alberto Uy ng Tagbilaran ang mga mananampalataya na makibahagi sa pagdiriwang ng “Season of Creation” ngayong taon.

Ayon kay Bishop Uy, ang “Season of Creation” ay panahon upang hikayatin ang bawat isa na pakinggan ang panawagan ng kalikasan at mga katutubong biktima ng mga negatibong epekto ng gawain ng tao.

Hinihikayat din ng obispo ang bawat isa na ipanalangin ang kaligtasan ng mga likas na yamang nilikha ng Diyos gayundin ang sangkatauhang naatasang maging katiwala ng inang kalikasan.



“In this Season of Creation, we pray that You would call to us, as from the burning bush, with the sustaining fire of Your Spirit,” ayon kay Bishop Uy.

“Breathe upon us. Open our ears and move our hearts. Turn us from our inward gaze. Teach us to contemplate Your creation, and listen for the voice of each creature declaring Your glory,” dagdag ng obispo sa kanyang panalangin.

Samantala, maglulunsad naman ng programa ang Diyosesis ng Tagbilaran sa September 4 bilang pakikibahagi sa panahon ng paglikha sa pangunguna ng Saint Peter the Apostle Parish – Diocesan Shrine of Nuestra Señora de Guadalupe de Extremadura sa Loboc, Bohol.

Nakapaloob sa programa ang pagtatanim ng mga punongkahoy sa bahagi ng Birhen sa Guadalupe Hill sa Gon-ob; information drive hinggil sa pagsusulong sa organic farming at zero waste management; at ang paglagda sa commitment wall bilang simbolo ng pangako ng pangangalaga sa ating nag-iisang tahanan.

- Newsletter -

Tema ng “Season of Creation” ngayong taon ang “Listen to the Voice of Creation,” na ipagdiriwang mula unang araw ng Setyembre hanggang ikaapat ng Oktubre, kapistahan ni San Francisco de Asis, ang patron ng kalikasan.

© Copyright LiCAS.news. All rights reserved. Republication of this article without express permission from LiCAS.news is strictly prohibited. For republication rights, please contact us at: [email protected]

Support LiCAS.news

We work tirelessly each day to tell the stories of those living on the fringe of society in Asia and how the Church in all its forms - be it lay, religious or priests - carries out its mission to support those in need, the neglected and the voiceless.
We need your help to continue our work each day. Make a difference and donate today.

Latest