HomeDiocesan Reports'The Gift of 500' docu-film, inilunsad ng Simbahan

‘The Gift of 500’ docu-film, inilunsad ng Simbahan

Hinati sa tatlong tema ang docu-film -- Gift of Christ, Gift of Community, at Gift of Mission

Bawat bagay ay handog ng Panginoon sa sangkatauhan.

Ito ang mensahe ni Father Jayson Laguerta, director ng Office for the Promotion of New Evangelization, sa inilunsad na three-part documentary film na “The Gift of 500” sa San Carlos Seminary Auditorium sa Makati City.

Ayon sa pari, hinati sa tatlong bahagi ang docu-film — Gift of Christ, Gift of Community, at Gift of Mission.



Paliwanag ni Father Laguerta, ito ay upang maipabatid sa mga mananampalataya lalo na sa mga kabataan ang kahalagahan ng pagbabalik-tanaw sa mga pangyayari sa sinaunang panahon upang magbigay kamalayan sa kasalukuyan at susunod pang henerasyon.

“Kapag pinagsama-sama natin ito, mayaman talaga ang ating pananampalataya sa nakalipas na 500 taon, and this is our way of providing talking points so that the conversation continues,” ayon sai pari.

Tagubilin niya sa mga mananampalataya, lalo na sa mga kabataan, na tuwinang magpasalamat sa anumang biyayang natatanggap at kasabay ng pagpapasalamat ay ang pagbabahagi ng biyaya sa kapwa.

“We are gifted, we are grateful, then let’s be generous. Let’s be generous by sharing our gifts to one another. Whatever it is, not necessarily financial or monetary but gifts of talents, time, or presence. These are the things that we can share para ang presensya ni Kristo ay mas maramdaman pa hanggang ngayon ng mga tao,” saad ng pari.

- Newsletter -

Binigyang-diin pa ni Father Laguerta na nais ding ipaliwanag ng docu-film ang mga pagsubok na pinagdaanan upang maabot ng Kristiyanismo sa Pilipinas ang ika-500 taon at patuloy pang mapagyabong ang pananampalaya.

Ang “The Gift of 500” ay likha ng Archdiocese of Manila – Office for the Promotion of the New Evangelization, sa pakikipagtulungan ng Mary Mother of Hope Chapel-Landmark Makati, Sto. Niño de Paz Greenbelt Chapel, at St. Paul’s.

© Copyright LiCAS.news. All rights reserved. Republication of this article without express permission from LiCAS.news is strictly prohibited. For republication rights, please contact us at: [email protected]

Leave a Reply

Support LiCAS.news

We work tirelessly each day to tell the stories of those living on the fringe of society in Asia and how the Church in all its forms - be it lay, religious or priests - carries out its mission to support those in need, the neglected and the voiceless.
We need your help to continue our work each day. Make a difference and donate today.

Latest