HomeDiocesan ReportsBishop Pabillo, nanawagan ng suporta para sa mga pari

Bishop Pabillo, nanawagan ng suporta para sa mga pari

Higit kinakailangan ng mga pari ang dasal at suporta upang makapagpatuloy sa gawaing pagmimisyon lalo na sa mga parokya

Umapela si Bishop Broderick Pabillo ng Taytay, Palawan, sa mananampalataya na patuloy suportahan ang mga pastol ng Simbahan kasabay ng pagdiriwang sa Linggo ng mga Kura Paroko nitong August 7.

Paliwanag ni Bishop Pabillo, higit kinakailangan ng mga pari ang dasal at suporta upang makapagpatuloy sa gawaing pagmimisyon lalo na sa mga parokya.

“Ipanalangin natin ang mga kaparian, nawa sa tulong ng panalangin at halimbawa ni St. John Baptist Marie Vianney ang mga pari ay maging banal tulad ng kanyang paglilingkod,” pahayag ni Bishop Pabillo.



August 4 nang ipagdiwang ng Simbahan ang kapistahan ni San Juan Maria Vianney kaya inilaan ng Simbahan sa Pilipinas ang Linggo na malapit sa nasabing petsa para sa mga pari, lalo na ang mga namamahala sa mga parokya.

Nagsagawa ng “second collection” ang bikaryato para tulungan ang mga gawain ng paghuhubog at pagsasanay sa mga pari na makatutulong sa paglilingkod sa mananampalataya.

Paliwanag ni Bishop Pabillo, bagamat dumaan sa mahabang panahon ng pag-aaral bago maging pari, mas mahalaga na maipagpatuloy ang mga paghuhubog sapagkat nagbabago ang mga hamon sa mga pari sa kanilang paglilingkod sa komunidad.

“Tulungan natin ang patuloy na paglago nila sa kanilang bokasyon sapagkat sila ang gabay natin sa pananampalataya,” giit ni Bishop Pabillo.

- Newsletter -

Sa Pilipinas, nasa Sampung libo ang mga pari na nangangasiwa sa mahigit 80 milyong katoliko sa 3,000 mga parokya.

© Copyright LiCAS.news. All rights reserved. Republication of this article without express permission from LiCAS.news is strictly prohibited. For republication rights, please contact us at: [email protected]

Leave a Reply

Support LiCAS.news

We work tirelessly each day to tell the stories of those living on the fringe of society in Asia and how the Church in all its forms - be it lay, religious or priests - carries out its mission to support those in need, the neglected and the voiceless.
We need your help to continue our work each day. Make a difference and donate today.

Latest