HomeNewsOpisyal ng CBCP, nanawagan ng 'transparency' sa pamahalaan

Opisyal ng CBCP, nanawagan ng ‘transparency’ sa pamahalaan

“Transparency is one of the pillars of good governance," ayon kay Father Jerome Secillano, executive secretary ng CBCP Committee on Public Affairs

Pinapaalala ng isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang kahalagahan ng “transparency” sa mga proyekton ng pamahalaan.

“Transparency is one of the pillars of good governance,” ayon kay Father Jerome Secillano, executive secretary ng CBCP Committee on Public Affairs.

“It promotes accountability, efficiency and effectiveness among government officials,” dagdag ng pari.



Aniya, higit din nitong binibigyan ng maayos na pananagutan ang mga opisyal upang ipakita sa mamamayan na nagbubunga ang kanilang pagbabayad ng buwis.

Ito ang hamon ng Pari matapos punahin ng Commission on Audit ang pagkaantala simula pa noong 2021 ng 14 proyekto ng Department of Transportation na nagkakahalaga ng higit sa isang trilyong piso.

“It assures the public that funds are used for their intended purposes and not pocketed by unscrupulous leaders,” ani Father Secillano.

“With transparency, both the government and it officials are deemed above suspicion because of their openness for scrutiny and willingness to assume accountability,” ayon sa pari sa panayam ng Radio Veritas 846.

- Newsletter -

© Copyright LiCAS.news. All rights reserved. Republication of this article without express permission from LiCAS.news is strictly prohibited. For republication rights, please contact us at: [email protected]

Leave a Reply

Support LiCAS.news

We work tirelessly each day to tell the stories of those living on the fringe of society in Asia and how the Church in all its forms - be it lay, religious or priests - carries out its mission to support those in need, the neglected and the voiceless.
We need your help to continue our work each day. Make a difference and donate today.

Latest