HomeDiocesan ReportsOrdinasyon ng bagong obispo ng Cebu, nakatakda sa August 19

Ordinasyon ng bagong obispo ng Cebu, nakatakda sa August 19

Itinakda ang pagdiriwang ng ordinasyon ni Bishop-elect Labajo sa August 19, ganap na ika-siyam ng umaga sa Cebu Metropolitan Cathedral

Nakatakda na sa August 19 ang ordinasyon ng bagong obispo para sa Archdiocese of Cebu. Ito ang pahayag ni Archbishop Jose Palma ng Cebu sa panayam ng Radio Veritas 846.

“Malaking tulong ito, malaking biyaya dahil napakalaki ng [Archdiocese of] Cebu at alam natin yung mga pastoral ministry na kailangan ng serbisyo ng obispo, kaya nagpapasalamat kami sa Diyos at sana sabayan ninyo kami nitong pasasalamat,” pahayag ni Archbishop Palma.

Ayon sa arsobispo, itinalaga si Bishop-elect Ruben Labajo sa arkidiyosesis upang makatulong sa pangangasiwa sa may limang milyong populasyon ng mga Katoliko sa lalawigan.



Itinakda ang pagdiriwang ng ordinasyon ni Bishop-elect Labajo sa August 19, ganap na ika-siyam ng umaga sa Cebu Metropolitan Cathedral.

Nananawagan din si Archbishop Palma sa mananampalataya ng patuloy na panalangin para sa mga pastol ng Simbahan upang manatiling matatag sa kanilang tungkulin na paglingkuran ang mamamayan.

“Ipanalangin po ninyo kaming mga obispo na maging ganap sa aming tungkulin na talagang ‘servant leader.’ Ang aming buhay ay buhay gaya ng mabuting pastol na nagsisilbi sa mamamayan,” ayon kay Archbishop Palma.

June 23 nang italaga ni Pope Francis si Bishop-elect Labajo bilang auxiliary bishop ng Cebu katuwang ni Archbishop Palma at Bishop Midyphil Billones.

- Newsletter -

Buong kababaang-loob namang tinanggap ng bagong talagang obispo ang bagong misyon sa Simbahan.

Sa halos 30-taong pagiging pari, ilan sa mga ginampanan ni Bishop-elect Labajo ang pagiging parish vicar sa Mandaue City, Santa Fe Parish sa Bantayan Island, at St. Joseph Parish sa Tabunok Talisay, Cebu Metropolitan Cathedral. Noong 2017, naging bahagi ang pari sa Council of Consultors, Episcopal Vicar sa unang distrito ng arkidiyosesis, at kasapi ng Presbyteral Council.

© Copyright LiCAS.news. All rights reserved. Republication of this article without express permission from LiCAS.news is strictly prohibited. For republication rights, please contact us at: [email protected]

Leave a Reply

Support LiCAS.news

We work tirelessly each day to tell the stories of those living on the fringe of society in Asia and how the Church in all its forms - be it lay, religious or priests - carries out its mission to support those in need, the neglected and the voiceless.
We need your help to continue our work each day. Make a difference and donate today.

Latest