HomeDiocesan ReportsObispo ng Puerto Princesa, tiniyak ang pag-agapay ng Simbahan sa ‘agri-workers’

Obispo ng Puerto Princesa, tiniyak ang pag-agapay ng Simbahan sa ‘agri-workers’

“Ako ay nakikiisa sa ating mangingisda at magsasaka sa hinaharap nating mga krisis ngayon"

Tiniyak ni Bishop Socrates Mesiona ng Puerto Princesa ang pagpapalawig ng mga hakbang ng Simbahang Katolika upang tugunan ang mga suliraning kinakaharap ng mga manggagawa sa sektor ng agrikultura.

Ang pahayag ng obispo ay ginawa kaugnay sa pagtalakay ng mga suliranin ng mga magsasaka at mangingisda sa ginanap na National Synodal Consultation nitong nakalipas na linggo.

“Ako ay nakikiisa sa ating mangingisda at magsasaka sa hinaharap nating mga krisis ngayon, lalung lalu na sa kakulangan ng mga pagkain,” ayon kay Bishop Mesiona.



Sa pagtitipon ay nagkaroon ng pagkakataon ang mga manggagawa na ipahayag sa mga obispo ng Pilipinas ang mga suliraning kinakaharap ng sektor ng agrikultura.

Una ng nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines sa administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na bigyang tuon ang pangangailangan ng mga mangingisda at magsasaka upang matiyak na may pagkaing mapagkukunan ang mga Filipino.

- Newsletter -

© Copyright LiCAS.news. All rights reserved. Republication of this article without express permission from LiCAS.news is strictly prohibited. For republication rights, please contact us at: [email protected]

Support LiCAS.news

We work tirelessly each day to tell the stories of those living on the fringe of society in Asia and how the Church in all its forms - be it lay, religious or priests - carries out its mission to support those in need, the neglected and the voiceless.
We need your help to continue our work each day. Make a difference and donate today.

Latest