HomeDiocesan ReportsDiocese of Romblon, magpapatayo ng 1,000 bahay para sa mga biktima ng...

Diocese of Romblon, magpapatayo ng 1,000 bahay para sa mga biktima ng sakuna

Layunin ng proyekto na bigyan ng maayos at matibay na bahay ang mga mahihirap na pamilya

Layunin ng Diyosesis ng Romblon na makapagpatayo ng 1,000 bahay para sa mga mahihirap na pamilya na higit na apektado ng krisis at iba’t ibang sakuna.

Ayon kay Father Ric Magro, social action director ng Romblon, layunin ng proyekto na bigyan ng maayos at matibay na bahay ang mga mahihirap na pamilya, lalo na ang mga nakatira sa tabing-dagat na mas malapit sa panganib kapag may sakuna.

“Nakikita kasi noon na ang nililipat kaagad natin ay ‘yung mga nakatira sa tabing dagat, ‘yung mga pamilyang mga barong-barong lamang ang bahay,” ayon sa obispo sa panayam ng Radio Veritas 846.



“Kaya’t sa ngayon na wala pang bagyo, hinahanapan kaagad natin ng paraan sila kung paano natin sila matutulungan na hindi na aabutin pa ng bagyo,” pahayag ng pari.

Binabalak umano ng diyosesis na makapagbahagi ng tig-50 bahay sa 17 bayan ng Romblon.

Sa kasalukuyan, nasa ikatlong bahagi na ang proyekto ng diyosesis kung saan sa una at ikalawang bahagi ay umabot na sa 100 mga bahay ang naipatayo at naipamahagi sa mga residente ng Tablas at Romblon Island.

“Sa ngayon ay patuloy tayong nagpapagawa sa Tablas Island ng another 50 houses, at ang target natin ay makapagbigay tayo sa lahat ng munisipyo kahit tig-50 houses muna,” ayon kay Father Magro.

- Newsletter -

Nagpapasalamat naman ang Diyosesis ng Romblon sa NASSA/Caritas Philippines at sa Couples for Christ – Answering the Cry of the Poor sa patuloy na pagtulong at pagsuporta sa mga adhikain ng diyosesis na bigyan ng matibay na tahanan ang mga mahihirap.

Magugunita na noong 2015, labis na napinsala ng bagyong “Nona” ang diyosesis at umabot sa 4,000 pamilya ang nawalan ng mga tahanan at kabuhayan.

Tinatayang aabot sa walo hanggang 12 bagyo ang dumadaan sa Romblon sa loob ng isang taon.

© Copyright LiCAS.news. All rights reserved. Republication of this article without express permission from LiCAS.news is strictly prohibited. For republication rights, please contact us at: [email protected]

Leave a Reply

Support LiCAS.news

We work tirelessly each day to tell the stories of those living on the fringe of society in Asia and how the Church in all its forms - be it lay, religious or priests - carries out its mission to support those in need, the neglected and the voiceless.
We need your help to continue our work each day. Make a difference and donate today.

Latest