HomeNewsPag-abot sa nasasakupang pamayanan, malaking hamon sa mga parokya

Pag-abot sa nasasakupang pamayanan, malaking hamon sa mga parokya

“Kung wala tayong impact sa society parang hindi pa talaga tayo nakikiisa sa misyon ng ating Panginoong Hesukristo,” ani Bishop David

Malaking hamon sa mga parokya ang paigtingin ang pag-abot sa bawat nasasakupan, ito ang pahayag ni Bishop Pablo Virgilio David ng Kalookan, pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines.

“Isang malaking hamon talaga sa ating mga parokya ang lampasan yung maintenance mode,” sabi ng obispo sa ginanap na Metropolitan Synodal Assembly ng Ecclesiastical Province of Manila nitong June 15.

“Aminado tayo na ang mga naabot lamang ng Simbahan ay yung mga nasa sentro lamang ng ating mga parokya, yung mga nasa gilid at laylayan kailangan pa talaga nating abutin,” dagdag ni Bishop David.



Tinuran ng obispo ang kakulangan ng Simbahan na lumabas sa isinagawang konsultasyon ng mga diyosesis kung saan kapansin-pansin aniya ang malaking puwang na nararapat punan.

Ipinaliwanag ni Bishop David na ang pagmimisyon ay hindi lamang nakaatang sa mga missionary congregation kundi sa buong Simbahan na binubuo ng kawan ng Panginoon.

Batid ng obispo na karamihan sa mga naglilingkod sa Simbahan ay bukod tanging pari lamang ang kinikilalang pastol sa tupa ng Panginoon.

Igniit ng obispo na ang bawat isa bilang binyagang Kristiyano ay tinatawagang maging pastol sa kapwa sa pakikibahagi sa misyon ni Hesus.

- Newsletter -

“Kung wala tayong impact sa society parang hindi pa talaga tayo nakikiisa sa misyon ng ating Panginoong Hesukristo,” ani Bishop David.

Dahil dito, nanawagan siya na palakasin ng Simbahan ang diocesan synodal assemblies upang higit matugunan ang mga natuklasang puwang o suliranin sa pagitan ng Simbahan at pamayanan.

Itinuring ni Bishop David ang isinasagawang sinodo na malaking pagkakataon para isabuhay ang “communion, participation, and mission.”

“Isa sa mga common resolution ng mga diocese ay isang bagong round ng synod (pastoral planning) para matutukan talaga itong mga gaps na ito at mayroong resolutions na konkretong magawa ang bawat diocese,” ayon sa obispo.

Kabilang sa Ecclesiastical Province of Manila ang Archdiocese of Manila; mga diyosesis ng Antipolo, Cubao, Imus, Kalookan, Malolos, Novaliches, Parañaque, Pasig, San Pablo; Apostolic Vicariates ng Puerto Princesa at Taytay sa Palawan; at ang Military Ordinariate of the Philippines.

Itinakda naman sa July 4 hanggang July 7 ang National Synodal Assembly upang talakayin ang mga isusumiteng synthesis mula sa Metropolitan assemblies at upang bumuo ng preparatory document na isusumite sa Vatican bilang paghahanda sa Synod of Bishops sa October 2023.

© Copyright LiCAS.news. All rights reserved. Republication of this article without express permission from LiCAS.news is strictly prohibited. For republication rights, please contact us at: [email protected]

Support LiCAS.news

We work tirelessly each day to tell the stories of those living on the fringe of society in Asia and how the Church in all its forms - be it lay, religious or priests - carries out its mission to support those in need, the neglected and the voiceless.
We need your help to continue our work each day. Make a difference and donate today.

Latest