HomeDiocesan ReportsHapag-Asa feeding program, inilunsad ng Caritas Manila sa St. John Bosco parish

Hapag-Asa feeding program, inilunsad ng Caritas Manila sa St. John Bosco parish

Ang programa ng social action arm ng Archdiocese of Manila ay naglalayong matugunan ang dumaraming bilang ng mga batang nagugutom

Inilunsad ng Caritas Manila sa pamamagitan ng Caritas Damayan ang “Nutrition and Feeding Program” sa Saint John Bosco Parish sa Tondo, Manila.

Ang programa ng social action arm ng Archdiocese of Manila na mas kilala bilang “Hapag-Asa Feeding Program” ay naglalayong matugunan at maiwasan ang dumaraming bilang ng mga batang nakakaranas ng kagutuman at malnutrisyon.

Katuwang ng Caritas Manila ang Rotary Club of Makati na naglaan ng PhP500,000 pondo bilang suporta sa programa ng institusyon sa loob ng anim na buwan para sa higit 150 na mga bata na saklaw ng parokya.



Ayon kay Caritas Manila executive director Father Anton CT Pascual, mahalagang mabigyang-pansin ang suliranin ng malnutrisyon sa bansa lalo na sa mga kabataan.

“We have to save the child as soon as possible, at ito nga mayroon tayong six months program na Hapag-Asa para maligtas ang bata at mabigyan ng mas normal na kinabukasan,” pahayag ni Father Pascual sa panayam ng Radio Veritas.

Samantala, nangako naman si Rotary Club of Makati president Luis Angel Aseoche na ang organisasyon ay patuloy na tutulong at susuporta sa mga adhikain at programa ng Caritas Manila.

Ayon kay Aseoche na bagamat magtatapos na ang kanyang termino bilang pangulo ng Rotary Club of Makati sa Hunyo 30 ay ipagpapatuloy at paiigtingin naman ng susunod na pamunuan ang pagpapabuti sa nutrisyon at pagtugon sa pangangailangan ng mga bata mula sa mga mahihirap na komunidad.

- Newsletter -

“Tamang-tama sa transitioning from my term to the next term, we have as beneficiaries children of school age because they need to have good nutrition for their brains to develop and for them to have a fighting chance to succeed in life and to improve their economic conditions,” ayon kay Aseoche.

Nagpasalamat naman si Father Gaudencio Carandang Jr., kura paroko ng St. John Bosco parish sa Tondo sa inisyatibo ng Caritas Manila.

Tinatayang aabot na sa higit 5,000 ang beneficiaries ng Hapag-Asa Feeding Program ng Caritas Manila.

Batay sa pag-aaral ng United Nations Children’s Fund noong 2021, nasa 45 milyong mga bata ang nakakaranas ng labis na epekto ng malnutrisyon sa buong mundo.

© Copyright LiCAS.news. All rights reserved. Republication of this article without express permission from LiCAS.news is strictly prohibited. For republication rights, please contact us at: [email protected]

Leave a Reply

Make a difference!

We work tirelessly each day to support the mission of the Church by giving voice to the voiceless.
Your donation will add volume to our effort.
Monthly pledge

Latest