HomeDiocesan ReportsDance challenge para sa kalikasan, inilunsad ng Diocese ng San Carlos

Dance challenge para sa kalikasan, inilunsad ng Diocese ng San Carlos

Hinihimok ni Bishop Alminaza ang mananampalataya na makibahagi sa “Tiktok Dance Challenge” para sa kalikasan

Naglunsad ng dance challenge ang Diocese of San Carlos bilang bahagi ng pagdiriwang ng Earth Day 2022.

Ayon kay Bishop Gerardo Alminaza, sa iba’t ibang krisis na nangyayari sa kapaligiran, kinakailangan ang agarang pagkilos ng bawat isa upang iligtas ang nag-iisang tahanan sa tuluyang pagkasira.

“With the recent issues regarding the arrests of the scientists, killing and blatant red-tagging of environmental defenders and worsening climate, a sense of urgency is a must to live in a world where we can benefit from,” pahayag ni Bishop Alminaza.



Hinihimok ni Bishop Alminaza ang mananampalataya na makibahagi sa “Tiktok Dance Challenge” na layuning ipalaganap sa pamamagitan ng pagsasayaw ang kamalayan hinggil sa nagaganap na climate change crisis.

“Dance for the environment; Dance for the planet; Dance for our future,” ayon sa obispo.

Hinamon din ng obispo sina San Carlos Vicar General Monsignor Edwin Magnanao, Oeconomus Father Alwen Jimenez, Social Action Assistant Chairman at Ecology and the Environment head Fr. Juluis Tormis, Chancellor Fr. Marjun Almario, at Secretary to the Bishop Fr. Angeles Gidayawan, Jr. na makibahagi sa dance challenge.

Noong 2020 nang unang naglunsad ng dance challenge ang diyosesis sa inisyatibo ni Bishop Alminaza upang mahikayat ang mga mananampalataya na magkaisa at ipakita ang pangangalaga sa inang kalikasan.

- Newsletter -

Ang Earth Day ay ipinagdiriwang tuwing April 22. Ito ay nagsimula noong taong 1970 sa Estados Unidos at ngayon ay ipinagdiriwang ang ika-52 anibersaryo.

Una nang inanyayahan ni Pope Francis sa kanyang Laudato Si’ ang bawat indibidwal na makibahagi at maging instrumento ng Panginoon sa pagpapakita ng pangangalaga sa kalikasan batay sa ating kultura, karanasan, at talento.

© Copyright LiCAS.news. All rights reserved. Republication of this article without express permission from LiCAS.news is strictly prohibited. For republication rights, please contact us at: [email protected]

Leave a Reply

Support LiCAS.news

We work tirelessly each day to tell the stories of those living on the fringe of society in Asia and how the Church in all its forms - be it lay, religious or priests - carries out its mission to support those in need, the neglected and the voiceless.
We need your help to continue our work each day. Make a difference and donate today.

Latest