HomeDiocesan ReportsPahalik sa Poong Hesus Nazareno sa Quiapo, bubuksan muli sa publiko

Pahalik sa Poong Hesus Nazareno sa Quiapo, bubuksan muli sa publiko

Umaapela ang Simbahan sa mga deboto na mahigpit na sundin ang safety protocol upang makaiwas sa COVID-19

Bubuksang muli sa publiko ang “pahalik” sa imahe ng Poong Hesus Nazareno sa Quiapo, ito ang pahayag ng pamunuan ng Minor Basilica of the Black Nazarene sa Maynila.

“Muling mahahawakan ang mismong imahen ng Poong Hesus Nazareno na nasa itaas ng altar ng simbahan ng Quiapo. Unti-unti nating ibabalik ang ‘pahalik,’” ayon kay Father Douglas Badong, parochial vicar ng basilica.

Umaapela naman ang pari sa mga deboto na mahigpit na sundin ang safety protocol upang makaiwas sa COVID-19.



“Ipinapakiusap sa mga deboto na pumila ng maayos at sumunod sa mga safety protocols,” pahayag ni Father Badong sa panayam ng Radio Veritas 846.

Bagamat nasa ilalim ng Alert Level 1 ang National Capital Region, mahigpit na ipinatutupad sa loob at labas ng simbahan ang safety protocol tulad ng pagsusuot ng facemask at physical distancing.

Matatandaang isinara sa publiko ang nakaugaliang pahalik sa imahe ng Poong Hesus Nazareno nang magsimula ang pandemya noong 2020.

Sa ginanap na Traslacion 2021 at 2022, sa halip na isagawa ang tradisyunal na “pahalik” ay ginawa ang “pagtanaw” kung saan iniluklok ang replica ng imahe ng poon sa harapan ng simbahan upang matanaw ng mga deboto.

- Newsletter -

Patuloy na pinag-iingat ng Simbahan at pamahalaan ang publiko laban sa banta ng virus.

© Copyright LiCAS.news. All rights reserved. Republication of this article without express permission from LiCAS.news is strictly prohibited. For republication rights, please contact us at: [email protected]

Support LiCAS.news

We work tirelessly each day to tell the stories of those living on the fringe of society in Asia and how the Church in all its forms - be it lay, religious or priests - carries out its mission to support those in need, the neglected and the voiceless.
We need your help to continue our work each day. Make a difference and donate today.

Latest