HomeDiocesan ReportsGamitin ang social media sa pagpapalaganap ng katotohanan - Bishop Maralit

Gamitin ang social media sa pagpapalaganap ng katotohanan – Bishop Maralit

Naniniwala ang obispo na dapat isaalang-alang ang resulta at magiging epekto sa iba ng mga inilalabas sa social media platforms

Hinikayat ni Bishop Marcelino Antonio Maralit Jr. ng Episcopal Commission on Social Communication ang publiko na maging mapanuri sa kanilang mga inilalabas na impormasyon sa social media.

Sa panayam ng programang Caritas in Action sa Radio Veritas, sinabi ng obispo na dapat gamitin ng bawat isa ang social media accounts bilang tagapag-palaganap ng katotohanan sa halip na maging kasangkapan ng mga maling impormasyon.

Naniniwala ang obispo na dapat isaalang-alang ang resulta at magiging epekto sa iba ng mga inilalabas sa social media platforms.



“Nakita ko ang pakinabang kung paano ang isa mong post ay may ibig sabihin sa maraming tao,” ayon sa obispo.

“Ano mang i-post mo, meron siyang kahulugan, kaya nga kung ang ipo-post mo ay mali o masama, may kahulugan sa iba yun. Pero kung ang i-popost mo ay mabuti at may katotohanan o bagay na may kapaki-pakinabang sa kapwa, yun ay [dapat] mag-amplify,” ayon sa obispo.

Aminado si Bishop Maralit na dahil sa kagustuhan ng tao na maaliw at malibang ay hindi na nito alintana kung ang kanyang mga ibinahaging impormasyon ay totoo o huwad.

“Kapag magpo-post ka, pag-isipan mo muna, at sana puno ng good intention ang ilalagay mo,” ayon sa obispo.

- Newsletter -

Ipinaalala ng obispo na mahalaga ang pagsasaliklik at pagsuri sa mga nakakalap na impormasyon upang hindi maging kasangkapan sa pagbago ng katotohanan.

“Tingnan muna natin ang other sources na maaring pagmulan ng information, [na] about the same reality mag-compare tayo ng mga sources natin na dapat tignan lalo na sa mga information na malakas ang dating sa atin,” dagdag ni Bishop Maralit.

Batay sa isang survey na ginawa ng Social Weather Stations noong 2021, lumabas na 51 porsyento ng mga Filipino ang naging biktima ng “fake news” sa iba’t-ibang social media platforms.

© Copyright LiCAS.news. All rights reserved. Republication of this article without express permission from LiCAS.news is strictly prohibited. For republication rights, please contact us at: [email protected]

Support LiCAS.news

We work tirelessly each day to tell the stories of those living on the fringe of society in Asia and how the Church in all its forms - be it lay, religious or priests - carries out its mission to support those in need, the neglected and the voiceless.
We need your help to continue our work each day. Make a difference and donate today.

Latest