HomeDiocesan ReportsObispo nananawagan na isantabi ang paggamit ng gadgets ngayong kuwaresma

Obispo nananawagan na isantabi ang paggamit ng gadgets ngayong kuwaresma

Ayon kay Bishop Maralit, mahalaga ang pagsasantabi sa paggamit ng gadget sapagkat ang tunay na diwa ng kuwaresma ay pagsasakripisyo at pagtitika

Nananawagan ang pangulo ng social communications ministry ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na isantabi ang paggamit ng gadgets at social media ngayong kuwaresma.

Ayon kay Bishop Marcelino Antonio Maralit Jr., mahalaga ang pagsasantabi sa paggamit ng gadget sapagkat ang tunay na diwa ng kuwaresma ay pagsasakripisyo at pagtitika.

Batid ng obispo na sa kasalukuyan ay mahalaga ang gadget at social media lalo na sa kabataan, subalit iginiit niya na makakamtan ang tunay na pagninilay kung nakatuon ang sarili sa Panginoon.




“Paalala sa ating mga kabataan na sa pagsasakripisyo kalimitang nakikita ang strength na kaya palang isantabi ang isang bagay for reasons, at ngayong Lent mahalaga ito para we could spend time to do more valuable things, katulad ng prayer na malaking bagay para sa spiritual growth,” pahayag ni Bishop Maralit sa Radio Veritas.

Sang-ayon din ang opisyal sa pahayag ni Pope Francis na nagdudulot ng pagkakahati-hati ang teknolohiya lalo na sa sa lipunang laganap ang “infodemic” o labis na mga impormasyong kumakamat sa social media na kadalasan ay hindi makatotohanan.

Sinabi ni Bishop Maralit na nagdudulot ng kalituhan ng isip ang mga nababasa at napapanuod online kaya kinakailangang malawak ang pang-unawa sa mga nakikita.

“Malaki ang benefits sa gadgets and technology natin ngayon, but with that reality of disinformation o infodemic specifically sa platforms ng social media, it causes a lot of disturbance sa human conciousness; talagang mag-cause ng maraming divisions kung hindi tayo very constructive and critical about what we read and what we watch,” ani Bishop Maralit.

- Newsletter -

Apela ng obispo sa mga magulang at nakatatanda na gabayan ang kabataan lalo na sa paggamit ng gadgets at social media upang hindi mabiktima ng fake news.

“Magandang hamon na itabi ang gadgets for us to be able to reflect, making it more real ang buhay natin na hindi naka-base sa gadget, which I think will strengthen our young people lalo na sa relationships within the family and the society,” ayon ka Bishop Maralit.

Sa datos ng We are Social at Hootsuite noong 2020 nasa 73 milyong Filipino ang aktibo sa social media kung saan 98 porsyento ay gumagamit ng smartphones at naglalaan ng halos apat na oras bawat araw sa internet.

© Copyright LiCAS.news. All rights reserved. Republication of this article without express permission from LiCAS.news is strictly prohibited. For republication rights, please contact us at: [email protected]

Support LiCAS.news

We work tirelessly each day to tell the stories of those living on the fringe of society in Asia and how the Church in all its forms - be it lay, religious or priests - carries out its mission to support those in need, the neglected and the voiceless.
We need your help to continue our work each day. Make a difference and donate today.

Latest