HomeDiocesan ReportsObispo ng Bataan, nagpapaalala na mag-ingat pa rin sa COVID-19

Obispo ng Bataan, nagpapaalala na mag-ingat pa rin sa COVID-19

“Huwag po tayong magpabaya at huwag maging kampante. Ipagpatuloy pa rin natin ang ating pag-iingat," ayon ka Bishop Ruperto Santos

Pinaalalahanan ni Bishop Ruperto Santos ng Balanga ang mga mananampalataya na patuloy na mag-ingat bagamat ibinaba na sa alert level 1 ang COVID-19 status sa Metro Manila at ilang lalawigan.

Marapat lamang aniya na ipagpasalamat sa Diyos na unti-unti nang humuhupa ang kaso ng COVID-19 sa bansa, patunay na malapit nang makamtan ang ganap na kaligtasan laban sa virus.

Ngunit sinabi ni Bishop Santos na hindi pa rin dapat makampante ang publiko at sa halip ay patuloy pa ring sundin ang mga panuntunang ipinapatupad ng pamahalaan upang maiwasan ang hawaan.




“Huwag po tayong magpabaya at huwag maging kampante. Ipagpatuloy pa rin natin ang ating pag-iingat, sumunod pa rin sa IATF protocols,” pahayag ni Bishop Santos sa panayam ng Radio Veritas.

Hinimok din ng Obispo ang bawat isa na patuloy na manalangin bilang gabay tungo sa tuluyang pagbuti ng bansa at ganap nang makamtan ang kaligtasan laban sa pandemya.

Maliban sa Metro Manila, kabilang ang lalawigan ng Bataan sa mga lugar na isinailalim sa alert level 1 mula sa alert level 2 status dahil sa patuloy na pagbaba ng kaso ng COVID-19.

Sa umiiral na alert level status, maaari nang makapagsagawa ng mga pampublikong pagdiriwang na mayroong 100-porsyentong kapasidad tulad ng banal na Misa at iba pang religious gatherings.

- Newsletter -

Batay naman sa huling tala ng Department of Health, nasa mahigit 51,000 na lamang ang aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa.

© Copyright LiCAS.news. All rights reserved. Republication of this article without express permission from LiCAS.news is strictly prohibited. For republication rights, please contact us at: [email protected]

Support LiCAS.news

We work tirelessly each day to tell the stories of those living on the fringe of society in Asia and how the Church in all its forms - be it lay, religious or priests - carries out its mission to support those in need, the neglected and the voiceless.
We need your help to continue our work each day. Make a difference and donate today.

Latest