HomeDiocesan ReportsPaggabay sa mga botante sa paghalal ng tunay na lider, tungkulin ng...

Paggabay sa mga botante sa paghalal ng tunay na lider, tungkulin ng Simbahan

Mahalagang matulungan ang mananampalatayang pagnilayan at suriin ang karakter ng bawat kumandidato sa kapakinabangan ng bayan

Ang paggabay sa mga botante upang pumili ng wastong lider ay tungkuling ng Simbahan at hindi “partisan politics.”

Ito ang ipinaliwanag ni Bishop Jesse Mercado ng Parañaque. “We should accompany and encourage our people to make the right choice,” ayon sa obispo.

“And this is our new understanding of what non-partisanship is,” dagdag ni Bishop Mercado sa kanyang pahayag.



Ayon sa kanya, mahalagang matulungan ang mananampalatayang pagnilayan at suriin ang karakter ng bawat kumandidato sa kapakinabangan ng bayan, lalo na ng susunod na henerasyon.

Una nang nanindigan si Bishop Jose Colin Bagaforo ng Kidapawan, pangulo ng Episcopal Commission on Social Action, Justice and Peace, na mananatiling “non-partisan” ang Simbahang Katolika sa kabila ng pag-eendorso ng ilang grupo ng mga layko.

Subalit iginiit ni Bishop Bagaforo na hindi ito nangangahulugang pabayaan ng Simbahan ang mamamayan sa pagpili ng mga lider, kundi higit pinalalawak ang “voter’s education” upang maunawaan ng taumbayan ang tunay na hangarin ng isang kandidato.

Samantala, ipinaalala naman ni Bishop Mylo Hubert Vergara, vice president ng CBCP, sa mga kapwa lingkod ng Simbahan na pakaingatan ang pagkakilanlan bilang alagad ng Simbahan upang hindi makompromiso ang misyon nito.

- Newsletter -

Batid ng obispo ang ilang pari, madre at relihiyoso na hayagang sumusuporta sa partikular na kandidato lalo na sa “national level,” kaya’t paalala niyang mas palawakin ang pagbibigay gabay sa mga botante sa pamamagitan ng pagpapakilala sa karakter ng nagpapapiling lider.

© Copyright LiCAS.news. All rights reserved. Republication of this article without express permission from LiCAS.news is strictly prohibited. For republication rights, please contact us at: [email protected]

Leave a Reply

Support LiCAS.news

We work tirelessly each day to tell the stories of those living on the fringe of society in Asia and how the Church in all its forms - be it lay, religious or priests - carries out its mission to support those in need, the neglected and the voiceless.
We need your help to continue our work each day. Make a difference and donate today.

Latest