HomeNewsPari sa PGH, nananawagan ng tulong para sa healthcare workers

Pari sa PGH, nananawagan ng tulong para sa healthcare workers

Ayon sa pari, tila walang konkretong solusyon ang pamahalaan hinggil sa suliranin ng sektor ng kalusugan

Muling nanawagan sa pamahalaan ang Philippine General Hospital Chaplaincy ng dagdag na tulong at tauhan para sa mga ospital sa gitna ng muling pagdami ng kaso ng COVID-19.

“Sana po pakinggan ng pamahalaan ang hinaing ng health workers na hanapan ng paraan …. Sana matugunan nila kung ano ba talaga ang problema at (bakit) hindi sila maka-hire ng mga pansamantalang hahalili sa mga nagkakasakit na medical workers,” pahayag ni Father Marlito Ocon, SJ, chaplain ng PGH.

Aniya, lubos nang nahihirapan ang medical frontliners dahil sa labis na oras ng pagtatrabaho dulot ng kakulangan ng mga empleyado sa mga ospital.



Ayon sa pari, tila walang konkretong solusyon ang pamahalaan hinggil sa suliranin ng sektor ng kalusugan kaya magpahanggang-ngayon ay nahihirapan ang bansa na malunasan ang umiiral na pandemya.

“Parang madalas ang sagot ay wala talaga,” aniya. “Parang hinayaan na ganon na wala talagang magawa. Kung totoo man na wala talaga, magsa-suffer talaga tayong lahat,” dagdag ni Father Ocon sa panayam ng Radio Veritas 846.

Nauna nang sinabi ni Father Ocon na hindi na takot sa virus ang kalaban ng health workers kundi ang pagkapagod sa misyong lunasan ang karamdaman ng mga pasyenteng lubos na apektado ng COVID-19.

Ayon sa tagapagsalita ng ospital na si Doctor Jonas del Rosario, nasa halos 400 na empleyado ng PGH ang ang nagpositibo sa virus.

- Newsletter -

Samantala, kasalukuyan ding nasa 300 na ang COVID-19 patients sa PGH kung saan 25 porsyento rito ang nakakaranas ng mild symptoms, 35 porsyento ang moderate, 20 porsyento ang severe, at sampung porsyento naman ang nasa kritikal na kondisyon.

© Copyright LiCAS.news. All rights reserved. Republication of this article without express permission from LiCAS.news is strictly prohibited. For republication rights, please contact us at: [email protected]

Leave a Reply

Support LiCAS.news

We work tirelessly each day to tell the stories of those living on the fringe of society in Asia and how the Church in all its forms - be it lay, religious or priests - carries out its mission to support those in need, the neglected and the voiceless.
We need your help to continue our work each day. Make a difference and donate today.

Latest