HomeNewsCBCP nananawagan ng pakikiisa ng lahat sa 'National Laity Week'

CBCP nananawagan ng pakikiisa ng lahat sa ‘National Laity Week’

Bubuksan ang National Laity Week sa September 18 sa Archdiocese ng Cebu

Inaanyayahan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang mgaa mananampalataya na makiisa sa virtual celebrations ng National Laity Week.

Sa panayam ng Radio Veritas kay Bishop Broderick Pabillo ng Taytay, chairman ng CBCP-Episcopal Commission on the Laity, sinabi nitong mahalagang makilahok ang mamamayan sa mga panayam upang mabuksan ang kamalayan ng mga layko sa pakikisangkot sa usaping panlipunan at pakikibahagi sa misyon ng simbahan.

“Mahalaga po sa National Laity Week ay babalik ang consciousness ng mga layko tungkol sa kanilang tungkulin sa Simbahan at sa lipunan,” bahagi ng pahayag ni Bishop Pabillo sa Radio Veritas.




Tinukoy ng obispo ang malaking tungkulin ng mga layko sa pakikiisa sa mga usaping panlipunan lalo’t nalalapit na ang halalan sa Mayo 2022 kung saan higit inaasahan ng Simbahan ang mga layko sa pagpili ng mga karapat-dapat na opisyal.

Umaasa si Bishop Pabillo na pairalin ng bawat layko ang matalinong pagpili ng mga lider ng bayan na magsusulong sa kabutihan ng nakararami at sa ikauunlad ng bansa.

“Sana po mas mag involve ang lay people sa political education, sa pagpipili ng nararapat na mga kandidato at sa pagpapatakbo sa nararapat na mga tao na talagang susulong sa katarungan, sa katwiran, at sa common good,” ani Bishop Pabillo.

Ayon kay Bishop Pabillo nawa’y isabuhay ng bawat layko ang kanilang bokasyon sa lipunan na maging bahagi sa ‘transformation’ ng pamayanan.

- Newsletter -

Sa Pilipinas, 99 na porsyento sa mahigit 80 milyong binyagang katoliko ay mga layko kaya’t napakahalaga ang pakikiisa nito sa mga gawain ng Simbahan at lipunan.

Bubuksan ang National Laity Week sa September 18 sa Archdiocese ng Cebu kung saan pangungunahan ni Bishop Midyphil Billones ang banal na Misa alas sais ng hapon habang ang closing ceremony naman ay gaganapin sa Diocese ng Baguio sa September 25 na pangungunahan ni Bishop Victor Bendico.

Matutunghayan ang mga programa ng National Laity Week sa mga Facebook pages ng mga diyosesis sa bansa, CBCP News, Sangguniang Layko ng Pilipinas, at Radyo Veritas PH.

© Copyright LiCAS.news. All rights reserved. Republication of this article without express permission from LiCAS.news is strictly prohibited. For republication rights, please contact us at: [email protected]

Support LiCAS.news

We work tirelessly each day to tell the stories of those living on the fringe of society in Asia and how the Church in all its forms - be it lay, religious or priests - carries out its mission to support those in need, the neglected and the voiceless.
We need your help to continue our work each day. Make a difference and donate today.

Latest