HomeDiocesan ReportsDiocese ng Novaliches tutulong sa ‘vaccination program’ ng pamahalaan

Diocese ng Novaliches tutulong sa ‘vaccination program’ ng pamahalaan

Nakapaloob sa kasunduan na maglalaan ang Diocese of Novaliches ng lugar, pasilidad, at volunteers para sa “vaccination program”

Lumagda ang Diocese ng Novaliches sa isang “Memorandum of Cooperation” para sa proyektong “QC Protektado” na layong makatulong sa pagpapaigting ng “vaccination program” laban sa COVID-19.

“Matagal na ‘tong collaboration with Quezon City (government),” ayon kay Bishop Roberto Gaa ng Novaliches.

Aniya malaking bagay ang pagtutulungan at “kailangan talaga yung iba’t ibang sektor ay magsama-sama … para matugunan itong pandemya.”



Sa panayam ng Radio Veritas 846, nagpapasalamat ang obispo sa pagsisikap ng mga pari ng Novaliches, local government units, at mga frontliner na nagtutulungan para sa proyekto.

Hinihikayat naman ni Bishop Gaa ang bawat diyosesis sa bansa na tularan ang programa upang maipalaganap ang “vaccine confidence” na makatutulong na mapawi ang pangamba ng publiko at mahikayat na magpabakuna.

“I think we should all go into synergy so that the services that are needed by the people can be given promptly,” ayon sa obispo.

Isinagawa ang paglagda sa “Memorandum of Cooperation” nitong Hunyo 21, 2021, sa Cathedral Shrine of the Good Shepherd Parish sa Quezon City.

- Newsletter -

Kabilang sa mga lumagda sina Bishop Gaa, Mayor Joy Belmonte ng Quezon City, Juan Enrique Reyes ng Far Eastern University – Nicanor Reyes Medical Foundation, at Manuel Montinola, Unilab vice president for the vaccine initiative.

Nasaksihan naman ito nina Secretary Carlito Galvez Jr. at Father Antonio Labiao Jr., vicar general ng Novaliches at executive secretary ng Caritas Philippines.

Nakapaloob sa kasunduan na maglalaan ang Diocese of Novaliches ng lugar, pasilidad, at volunteers para sa “vaccination program” ng gobyerno.

© Copyright LiCAS.news. All rights reserved. Republication of this article without express permission from LiCAS.news is strictly prohibited. For republication rights, please contact us at: [email protected]

Leave a Reply

Make a difference!

We work tirelessly each day to support the mission of the Church by giving voice to the voiceless.
Your donation will add volume to our effort.
Monthly pledge

Latest