HomeCommentaryCatechesis 101: 'Storytelling,' 'salvation,' at bakit hindi nahulog mula sa 'outer space'...

Catechesis 101: ‘Storytelling,’ ‘salvation,’ at bakit hindi nahulog mula sa ‘outer space’ si Jesus

Walang saysay ang pagtanggap mo kay Hesus bilang "personal Lord and Savior" kung sinungaling ka pa rin, nang-aapi ka pa rin sa iyong kapwa

Ang “katekismo series” na ito ay para sa lahat, mula bata hanggang sa mga nakakatanda. Ito ay ibinihagi ni Father Christian Buenafe, O.Carm, upang mas maintindihan ng mga Katoliko, pati na rin ng mga ‘di Katoliko, ang ibig sabihin ng pananampalataya, paniniwala, at “everything under the sun.”

Teacher: Class, ang “storytelling” ay pagkukwento ng isang pangyayari o buhay ng isang tao o anumang paksa. Sa “storytelling” may “storyteller” at may “listener.” May “bias” ang “storyteller” kasi depende sa kanya kung anong “part” o “aspect” ng kwento ang kanyang i-ha-“highlight” or i-“put aside.”

Student 1: Teacher, gusto naming marinig ulit ang Jesus Story.

Teacher: Basahin natin ang “first three chapters” ng Ebanghelyo ni St. Luke upang malaman natin ang kwento ng pagsilang ni Hesus.

Student 2: Ay, teacher, ang daming “characters” po, gusto namin ang kwento lang ni Hesus.




Teacher: Kaya nga, class, alamin natin ang buong kwento. Di naman pwede na nahulog na lang si Hesus galing sa langit, o biglaan lang siyang dumating galing sa “outer space.” Yan ang sinasabi ko sa inyo, dapat alamin natin ano ang nangyari sa “narratives.” Di tama na piliin lang natin kung ano ang gusto natin sa kwento.

Student 2: Teacher, Jesus Story lang, please.

- Newsletter -

Teacher: Hindi mo pwedeng ikwento ang Jesus Story, halimbawa, sa kanyang pagdating, kung wala sa kwento ang ibang “characters” sa “narrative.” Si God, si angel Gabriel, sina Zechariah at Elizabeth, at mga kapitbahay nila, si John, si Mary, si Joseph, mga shepherd, mga angel sa kalangitan, ang wise men. Parang “full production” kaya dapat kasama sila sa “storytelling.”

Student 3: Pero, teacher, di na kailangan ang “supporting actors” kasi di ba dapat tanggapin lang namin si Hesus bilang “personal Lord and Savior,” save na kami?

Teacher: Oo, bilang mga Kristiyano, kilalanin muna natin si Hesus. Makinig tayo sa Salita ng Diyos, pag-aralan at kilalanin natin ang buhay ni Hesus na nakasulat at naikwento sa New Testament.

Student 3: Pero, teacher, basta tanggapin lang natin siya as “our Lord and Savior,” save na tayo.

Teacher: Class, ano ba yang tanggapin-tanggapin lang? Sino ba nagpa-uso nyan? Ano at sino ang tanggapin mo kung di mo siya kilala? Class, “let us be clear,” ang “salvation” ay hindi “one time event or one shot deal.”

Dumating na si Hesus, matagal na upang tubusin tayo. Natubos na tayo, class, two thousand years ago na. Kaya nga “saved” na tayo. Pero patuloy tayong nagkakasala at lumalayo sa kanya.

Kaya, class, ang “salvation” ay isang “ongoing” o “continuing project.” Tinanggap mo nga si Hesus bilang “Lord and Savior” pero ang ginagawa mo ay hindi gawain ng Diyos. Waley pa rin. Wala tayong problema sa sinabi ni St. Paul na “We are justified by the blood of the lamb… and we are saved by grace, from Jesus Christ,” pero di natatapos dyan.

Ang “effect” o “result” ng “saving grace” ay “charity” na nagbubunga ng “service.” Yan din ang turo ni St. James sa kanyang sulat. Kasi yong “Christian faith” natin na di nagbunga ng “Christian witnessing” at “charitable services” natin sa kapwa ay walang saysay.

Walang saysay ang pagtanggap kay Hesus as Panginoon at Manunubos, at ang “saving grace” na sinasabi ni St. Paul ay sayang kung wala din namang nangyari sa buhay natin bilang Kristiyano.

Remember, “love” ang “mark” ng isang Kristiyano.

Stained glass in the Church of St. James in Le Treport, France, depicting Jesus as a carpenter apprentice, symbolizing ‘ora et labor.’ (Photo by jorisvo/shutterstock.com)

Student 5: Ah kaya pala, teacher, kung bakit hindi natin mahiwalay si Hesus sa kanyang mga “foster parents” na si Joseph and Mary, sa “cousin” niyang si John the Baptist, sa kanyang “disciples,” sa mga natulungan at nagamot niya, sa mga tao na nasa templo, etc.

Teacher: Kaya nga, class, ikwento natin ang buong kwento at di lang pinipili natin kung ano ang ikwento natin lalo na sa buhay ni Hesus.

Yong ibang tao, di nila kinikilala ang ibang characters ng “kwento.” Mali yan, class. Di ko maintindihan, class, kung bakit ang iba ay ayaw o galit kay Mama Mary na wala namang ginawang masama, siya nga nag-alaga nong baby pa si Jesus, kasama ni Joseph.

Yong iba naman ayaw nila sa Belen kasi “idolatry” daw, eh, ang Belen ay isang “artistic expression” na hango din sa “narrative” sa “Christmas story.”

Students: Ah, kaya pala, teacher, sa “storytelling” dapat buo, hindi parte parte.

Teacher: Korek, class. Walang saysay ang pagtanggap mo kay Hesus bilang “personal Lord and Savior” kung sinungaling ka pa rin, nang-aapi ka pa rin sa iyong kapwa, nagmumura at bastos ka pa rin, nanloloko ka pa rin, nagnanakaw ka pa rin, at iba pang gawain na hindi sa Diyos.

Do you think, save ka pa rin? Class, kailangan natin na mas makilala pa si Hesus at alamin ang kanyang mga turo, kanyang “instructions” at “commandments.” OK?

Students: Salamat, teacher.

Teacher: Thanks, class, bye na. Lab u. Snacks muna tayo.

© Copyright LiCAS.news. All rights reserved. Republication of this article without express permission from LiCAS.news is strictly prohibited. For republication rights, please contact us at: [email protected]

Support LiCAS.news

We work tirelessly each day to tell the stories of those living on the fringe of society in Asia and how the Church in all its forms - be it lay, religious or priests - carries out its mission to support those in need, the neglected and the voiceless.
We need your help to continue our work each day. Make a difference and donate today.

Latest