HomeDiocesan ReportsPagpahayag ng pananampalataya, hindi mapipigilan ng lockdown

Pagpahayag ng pananampalataya, hindi mapipigilan ng lockdown

'S halip na malungkot, mas planuhin natin kung paano tayo makalapit sa Panginoon sa mga araw na ito'

Hindi mapipigilan ng malawak na epekto ng pandemya ang pagpapahayag ng pananampalataya sa Panginoon ng mga Katoliko lalo na ngayong Semana Santa.

Ito ang binigyang diin ni Bishop Broderick Pabillo ny Maynila kaugnay sa muling pagsailalim sa “enhanced community quarantine” ng mga syudad sa National Capital Region at mga malalapit na probinsya.

Ayon sa obispo, nakalulungkot na sa pangalawang pagkakataon ay muling gugunitain ang Mahal na Araw na wala ang presensya ng mga mananampalataya sa mga gawaing pansimbahan.




Bagamat nanghihinayang ay binigyang diin ni Bishop Pabillo na sa halip na magpadala sa lungkot ay mas higit na dapat na planuhin ng bawat isa kung paano makakapagpahayag ng pananampalataya at masasamahan si Hesus sa pinakamahalagang bahagi ng kanyang buhay.

“The covid virus cannot prevent us from getting in touch with the Lord in a deeper way and in worshipping him these days,” sabi ng obispo sa kanyang pahayag sa Veritas 846.

“Kaya sa halip na malungkot lang, mas planuhin natin kung paano tayo makalapit sa Panginoon sa mga araw na ito kahit na we are limited by the lockdown,” dagdag niya.

Naniniwala ang obispo na bagamat marami ang negatibong maaapektuhan ng muling implementasyon ng ECQ ay isa ring itong pagkakataon sa lahat upang higit na makapagnilay at mapalalim ang pananampalataya.

- Newsletter -

“The lockdown can help us build up our convictions,” aniya.

“Kaya nga sabi ni San Pablo: ‘All things work out for the good, for those who love God.’ Kahit na ang Semana Santa sa panahon ng lockdown ay may kabutihan ding dinadala” dagdag ni Bishop Pabillo.

© Copyright LiCAS.news. All rights reserved. Republication of this article without express permission from LiCAS.news is strictly prohibited. For republication rights, please contact us at: [email protected]

Support LiCAS.news

We work tirelessly each day to tell the stories of those living on the fringe of society in Asia and how the Church in all its forms - be it lay, religious or priests - carries out its mission to support those in need, the neglected and the voiceless.
We need your help to continue our work each day. Make a difference and donate today.

Latest