HomeDiocesan ReportsSimbahan sa Lipa bubuksan sa paglala ng sitwasyon ng bulkang Taal

Simbahan sa Lipa bubuksan sa paglala ng sitwasyon ng bulkang Taal

Kapag binuksan ang mga simbahan, titiyakin ang patuloy na pagsunod sa health protocols upang makaiwas na mahawaan ng COVID-19

Handang magbukas ng mga simbahan ang Archdiocese of Lipa para sa mga tao na lilikas kung sakaling lalala ang sitwasyon sa bulkang Taal.

Ayon kay Father Jayson Siapco, director ng Lipa Archdiocesan Social Action Commission, hindi pa naman kinakailangang lumikas ang mga maaapektuhang residente ng lalawigan.

Aniya, nagsagawa na ang iba’t ibang lokal na pamahalaan sa lalawigan ng pagtukoy sa mga lugar na magiging ligtas na “evacuation area” sakaling lumala ang sitwasyon ng bulkan.




Inihayag ni Father Siapco na nagpaplano ang arkidiyosesis na bubuksan ang mga simbahan at iba pang pasilidad para sa mga magsisilikas na residente.

Paliwanag ng pari na kapag binuksan na ang mga simbahan, kanilang titiyakin ang patuloy na pagsunod sa health protocols upang makaiwas na mahawaan ng COVID-19.

“For sure magbubukas tayo, pero kailangan lang natin ilatag ang protocol,” aniya.

“If ever na mag-evacuate ang mga tao, then we can openly and courageously open our churches and our institutions,” ayon kay Father Siapco.

- Newsletter -

Maliban dito ay patuloy rin ang pagtulong ng arkidiyosesis sa mga residenteng isang taon nang namamalagi sa evacuation centers magmula noong nakaraang taon.

Batay sa huling ulat, naitala ang Alert level 2 status sa bulkang Taal na nangangahulugan ng pagtaas ng antas ng pagliligalig makaraang makapagtala ng 28 na pagyanig. – mula sa ulat ng Veritas 846

© Copyright LiCAS.news. All rights reserved. Republication of this article without express permission from LiCAS.news is strictly prohibited. For republication rights, please contact us at: [email protected]

Support LiCAS.news

We work tirelessly each day to tell the stories of those living on the fringe of society in Asia and how the Church in all its forms - be it lay, religious or priests - carries out its mission to support those in need, the neglected and the voiceless.
We need your help to continue our work each day. Make a difference and donate today.

Latest