HomeDiocesan ReportsCaritas Manila, patuloy ang ayuda sa mga jeepney driver

Caritas Manila, patuloy ang ayuda sa mga jeepney driver

“Pinapalakas natin ang kooperatiba para makapagbigay ng suporta sa mga jeepney driver,” ayon kay Father Anton Pascual ng Caritas Manila

Nagsagawa ng relief operations ang social arm ng Archdiocese of Manila sa Diosdado P. Macapagal Elementary School para sa mga jeepney driver ng Tatalon, Quezon City.

Nabiyayaan ng tulong mula sa Caritas Manila ang mahigit sa 250 jeepney drivers ng Tatalon Araneta Jeepney Operators’ and Drivers Association at Tatalon Transport Service Multipurpose Cooperative na lubhang naapektuhan ng krisis na dala ng coronavirus pandemic.

“Pinapalakas natin ang kooperatiba para makapagbigay ng suporta sa mga jeepney driver,” ayon kay Father Anton Pascual, executive director ng Caritas Manila.




Aniya, patuloy na pinag-aaralan ang kooperatiba na makatutulong sa mga jeepney driver upang matugunan ang kanilang pangangailangan.

Bahagi ng layunin sa pagbubuo ng kooperatiba ay ang makatulong na makapag-ipon, makapag-loan, at magkaroon ng modern jeepney ang mga driver.

“Kasi kung kooperatiba ang itayo natin sila ang may-ari nun. Kaya ang kita dun, babalik din sa kanila. Hindi tulad ‘pag nangutang sila sa bangko, ‘yung bangko ang kikita hindi sila,” pahayag ni Father Pascual.

- Newsletter -

© Copyright LiCAS.news. All rights reserved. Republication of this article without express permission from LiCAS.news is strictly prohibited. For republication rights, please contact us at: [email protected]

Support LiCAS.news

We work tirelessly each day to tell the stories of those living on the fringe of society in Asia and how the Church in all its forms - be it lay, religious or priests - carries out its mission to support those in need, the neglected and the voiceless.
We need your help to continue our work each day. Make a difference and donate today.

Latest