HomeDiocesan ReportsSocial media, nakatutulong sa pagkakalap ng donasyon para sa Simbahan

Social media, nakatutulong sa pagkakalap ng donasyon para sa Simbahan

Dahil sa masigasig na mga komunidad, madaling nakakakalap ng tulong para sa mga naapektuhan ng pandemya at mga nasalanta ng bagyo

Malaking tulong sa Simbahan ng Novaliches ang pagiging aktibo ng Basic Ecclesial Communities sa social media ng parokya.

Ayon kay Bishop Roberto Gaa ng Novaliches malaki ang naiambag ng social media sa pagkalap ng tulong sa mga programa ng Simbahan, lalo na sa pagtulong sa mga nangangailangan.

“I think we have to explore the possibilities here sa social media,” ayon sa obispo. “You’re not bound by the normal boundaries of the parish anymore,” aniya.




Dagdag ng obispo na ang “reach” ng social media ay sa buong mundo.

“If you continue to reach out to them, if you continue to nourish them, they will be more than eager to support you, because they were nourished by you,” ayon kay Bishop Gaa.

Aniya, dahil sa online donation, lalu na sa mga parokyang aktibo sa pagsagawa ng online Mass, formation, at catechism, patuloy na naisusulong ang misyon ng Simbahan.

“Ang daming bumubuhos ng tulong, at ang daming natutulungan nitong mga parokya’ng ito,” ayon sa obispo.

- Newsletter -

“They become conduits of help. We have to be accountable and responsible for all the gifts, the blessings, whatever goes through the parish,” aniya.

Ayon sa obispo, dahil sa masigasig na mga komunidad, madaling nakakakalap ng tulong at donasyon ang Simbahan na naipaabot sa mga naapektuhan ng pandemya at mga nasalanta ng mga nagdaang bagyo.

Mula sa ulat ng Veritas 846

© Copyright LiCAS.news. All rights reserved. Republication of this article without express permission from LiCAS.news is strictly prohibited. For republication rights, please contact us at: [email protected]

Leave a Reply

Support LiCAS.news

We work tirelessly each day to tell the stories of those living on the fringe of society in Asia and how the Church in all its forms - be it lay, religious or priests - carries out its mission to support those in need, the neglected and the voiceless.
We need your help to continue our work each day. Make a difference and donate today.

Latest