HomeNews Alert‘Year of Missio Ad Gentes,’ ilulunsad ng Simbahan ‘online’

‘Year of Missio Ad Gentes,’ ilulunsad ng Simbahan ‘online’

Nais ng Simbahan na mas mapaigting ang pakikilahok ng mananampalataya sa pagsasagawa ng misyon ni Hesus na ipalaganap ang mga Salita ng Diyos

Inaanyayahan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang mananampalataya na makiisa sa paglulunsad ng “Year of Missio Ad Gentes.”

“Nais ng Simbahan sa pagdiriwang na ito na maging masigasig tayo sa ating misyon alinsunod sa habilin ni Hesus,” pahayag ni Bishop Socrates Mesiona ng Puerto Princesa, chairman ng Episcopal Commission on Mission.

Ayon sa obispo, nais ng Simbahan na mas mapaigting ang pakikilahok ng mananampalataya sa pagsasagawa ng misyon ni Hesus na ipalaganap ang mga Salita ng Diyos sa sambayanan.




Taong 2013 nang magsimula ang siyam na taong paghahanda sa “500 Years of Christianity” sa pamamagitan ng paglunsad noon ng “Year of the Integral Faith Formation.”

Dahil sa pandemya, gaganapin online ang “grand launching” ng “Missio Ad Gentes” sa Nobyembre 28, alas-tres ng hapon, sa Facebook Page ng CBCP Episcopal Commission on Mission, Radyo Veritas PH, CBCP, at iba pang social media pages ng Simbahan.

Una nang naglunsad ng katesismo ang CBCP hinggil sa pagmimisyon noong Oktubre at ipinagpapatuloy ito ngayong taon ng misyon.

Hinimok ni Bishop Mesiona ang mananampalataya na subaybayan ang mga katesismo tuwing ikalawang Sabado ng buwan upang higit pang mapalalim ang kamalayan ng bawat isa hinggil sa misyon ng Simbahan.

- Newsletter -

Ilan sa mga tampok na gawain ngayong Taon ng Misyon ang online webinar series at ang Pista ng Misyon na inaasahang gaganapin sa 2021.

Ikinagalak din ni Bishop Mesiona ang pagkakaroon ng kauna-unahang “mission parish” ng Archdiocese of Jaro, Iloilo, sa Kenya, nitong Nobyembre sa gitna ng krisis pangkalusugang dulot ng pandemya.

Aniya, ito ay nagpapatunay na mas lumaganap ang pagmimisyon ng Simbahan hindi lamang sa Pilipinas kundi sa iba pang bahagi ng daigdig na konkretong pagsasabuhay sa “Missio Ad Gentes” o “Mission to the Nations.”

“Nakatutuwa na ang Archdiocese ng Jaro ay nakapag-adopt ng mission parish sa Africa, patunay lamang ito na buhay ang misyon ng Simbahan,” ayon sa obispo.

Kinilala rin ni Bishop Mesiona ang mahigit sampung milyong Overseas Filipino Workers na tinaguriang misyonero ng makabagong panahon na nagtatrabaho sa iba’t ibang panig ng daigdig.

Mula sa ulat ng Veritas 846

© Copyright LiCAS.news. All rights reserved. Republication of this article without express permission from LiCAS.news is strictly prohibited. For republication rights, please contact us at: [email protected]

Support LiCAS.news

We work tirelessly each day to tell the stories of those living on the fringe of society in Asia and how the Church in all its forms - be it lay, religious or priests - carries out its mission to support those in need, the neglected and the voiceless.
We need your help to continue our work each day. Make a difference and donate today.

Latest